Chapter 13

262 4 0
                                    

Chapter 13

"Siguradong okay ka na?" nag-aalalang tanong ni Larissa habang nakasunod kay Jenn at Ken na naglalakad sa hallway palabas ng hospital.

Bumaling naman sa kaniya ang kaibigan. "Okay na talaga, girl. Tsaka ipapahinga ko nalang 'to sa bahay." tugon naman nito saka sumakay ng taxi nang makalapit sila sa parking lot.

Mula sa kinatatayuan ni Larissa ay nakita niya ang isang pamilyar na papalapit na sasakyan kaya lumingon ulit siya sa dalawang naghihintay sa kaniya sa loob ng taxi.

"Mauna na kayo, may pupuntahan pa ako." aniya. Kahit nalilito ang dalawa ay tumango nalang sila saka isinara ang pinto ng sasakyan bago ito umalis.

Hinintay naman ni Larissa na huminto ang isang sasakyan sa harapan niya. "Good afternoon, Larissa." bati ni Elliot sa kaniya. Tinaasan naman niya ito ng kilay.

"May kailangan ka?" agad na tanong ni Larissa rito, napakamot naman sa kilay ang binata para matawa ang dalaga.

"Tatanungin sana kita kung kumain kana." tugon nito. Tatanggi na sana si Larissa sa alok ng binata pero hindi nakisama ang tiyan niya.

Nahihiyang ngumiti siya sa binata. "Tara, nagugutom na ako, libre ko." agarang saad niya. Pinagbuksan naman siya ng pinto ng binata.

"Sa Jollibee tayo, treat ko." ani Elliot nang makasakay ito sa sasakyan saka pinaharurot paliko.

"Seryoso ka? Okay lang naman sa akin 'yung karinderya, e." nahihiyang sambit ni Larissa. Natawa naman sa kaniya si Elliot saka nag thumbs-up kay Larissa.

"Nope, sa Jollibee tayo. Don't worry hindi naman kita sisingilin, e. Libre ko." nakangiting sambit ng binata. Tumango nalang si Larissa dahil hindi siya papakinggan ng binata.

Nakarating naman sila sa Jollibee kaya agad naman pumasok ang dalawa. Pina-upo naman ni Elliot si Larissa sa osang bakanteng pwesto malapit sa glass window.

"Ako na o-order, hintayin mo nalang ako dito." ani Elliot saka ito lumapit sa counter. Inilibot naman ni Larissa ang kaniyang paningin sa loob. Matagal na siyang hindi nakakain sa Jollibee kaya agad niyang kinuha ang phone saka nag-picture.

Maya-maya ay nasa tabi na niya ang binata na may dalang tray saka iyon nilapag sa harap niya. "Eh, yung sa 'yo?" tanong ni Larissa habang pinapanood ang binata na inaayos ang mga pagkain niya.

Ngumuso naman ang binata saka itinuro ang isang papalapit na crew sa pwesto nila. "Thank you."

Ngumiti naman sa kanila ang crew bago ito bumalik sa pwesto. Sabay naman silang kumain at nagku-kwentuhan naman silang dalawa.

¤¤¤¤

Inihatid naman ni Elliot si Larissa sa tapat ng mansyon. "Bye! Pumasok kana, baka pagalitan ka ni manang josefine." nakangiting saad nito sa dalaga.

Tumango naman si Larissa saka kumaway at pumasok sa loob ng  mansyon. Naabutan naman niya ang bagong ligong si Yevhen at wala itong suot na pang-itaas na damit para bumalandra ang maskuladong katawan nito.

Rinig naman niya ang mahinang tili ng ibang kasambahay dahil sa kilig ng mga ito. Humugot muna siya ng hangin bago lumakad papalapit sa binata, kahit si Larissa ay nakaramdam ng pagka-ilang dahil sa titig ng binata sa kaniya.

Huminto naman si Larissa sa harapan ng binata saka inangat ang kamay na may hawak na plastic. Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Yevhen nang makita niya ang plastic.

"Are you giving that to me?" tanong nito habang nakaturo sa plastic. Gusto niyang sagutin ito ng maayos pero nanaig sa kaniya ang pagka-pilosopo. "Hindi, itatapon ko lang 'to." nakangising tugon niya.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now