Chapter 5

393 8 0
                                    

Author's Note: H'wag niyo nalang pansinin 'yung mga grammatical errors. Btw, ENJOY!


Chapter 5

Naalipungatan naman ang dalaga dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba kaya tumingin siya sa orasan niya.

'7:39..'

Napabangon naman siya kaagad habang nanlaki ang mga mata nito saka mabilis na kumilos pababa ng hagdan.

'Shit! Bakit hindi nila ako ginising?!'

"HAHAHAHA!"

"Buti di ka namatay?"

Iyon ang sumalubong sa dalaga habang umiinit ang ulo niya sa dalawa. Nginitian naman siya ng napansin siya nito.

"Good morning! Kumusta tulog mo? maganda ba panaginip mo kagabi?" inosenteng tanong ng kaibigan niya sa kan'ya habang nakade-kwatro ito at ngumunguya ng hinog na kamatis.

Napa-iling nalang ang dalaga dahil sa mga kasama niya at sa mga tanong ng bakla. At dire-diretsong lumapit sa lamesa at kumuha rin ng isang hinog na kamatis saka kinagat.

"Bakit hindi niyo 'ko ginising ng maaga, ha?" asik niya sa dalawa. Lumingon naman sa kanya ang kaibigan niya'ng nagluluto ng ulam sa kalan. "Ginising ka na namin. Ikaw lang 'tong tulog-mantika kung matulog, siguro kung may lindol madali ka'ng mamatay kase hindi mo alam." mahabang saad nito saka lumapit sa kanila na may dalang isang plato na may lamang pritong talong saka inilapag sa lamesa.

"True! Tsaka ang sakit ng lalamunan ko sa kakasigaw ng pangalan mo!" giit na gilalas ni ken. Ngumiwi nalang ito saka nagsandok ng kanin at kumain.

¤¤¤¤

"Ingat nalang sa paghahanap ng trabaho, friend!" gilalas ni ken bago lumabas ng bahay na inu-upahan lang nila sa manila. Naiwan naman mag-isa sa loob si Larissa kaya naligo nalang siya at nag-ayos ng sarili bago umalis ng bahay para maghanap ng trabaho.

"Kaya mo 'to, Larissa! Alang-alang sa nanay at tatay mo! Kung hindi ka magta-trabaho, mamamatay ka agad!" buong lakas niya'ng bulong sa sarili niya. Dahil para sa kaniya ay iyon lang ang tanging paalala niya sa sarili.

Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay lumabas na ito saka naglakad sa gilid ng kalsada kahit marami ang dumadaan na sasakyan. Pagod na umupo ito sa isang bench kalapit sa isang mansyon kaya napatitig siya doon. Napabuntong-hininga naman siya dahil hindi siya tinatanggap at wala siyang makita'ng pwede niyang pasukan ng trabaho.

'Saan kaya pwede maghanap ng trabaho?'

"Susmaryosep!"

Napalingon naman siya sa isang matandang babae na pinupulot ang mga nahulog na gulat at prutas kaya tumayo siya at lumapit sa isang prutas na malapit sa kanya saka kinuha ito at ini-abot sa ginang.

"Salamat, hija sa tulong mo." nakangiting anito. Tumango naman si Larissa saka pinagpagan ang sarili. Pinagmasdan naman niya ito na naglalakad palayo hanggang mapagtanto niyang papunta ito sa gate ng mansyon kaya agad siyang tumakbo doon at hinarang ang ginang.

"Nakakagulat ka naman'g bata ka!" bulalas nito dahil sa gulat. Napakamot nalang sa pisnge si Larissa dahil nahihiya siya'ng magtanong sa kaharap niya.

"Ah, Nay, baka may alam po kayong pwede ko'ng mapagtrabahu-an? Kahit ano po! Kahit yaya, ayos lang po!" nagulat naman siyang ngumiti sa kanya ang ginang saka hinawakan ang kamay niya. "Ilang taon ka na ba, hija?" tanong sa kanya.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now