Chapter 8

254 5 0
                                    


Chapter 8

Habang tumitingin sa paligid si Larissa ay hindi niya mapigilang bumuntong-hininga dahil hindi niya makita ang kaibigan sa paligid. Sabado kaya pinayagan siyang lumabas ng mansyon at mamasyal muna.

"Ano ba 'yan, ba't ba ang tagal ng mga iyon?" bulalas niya. Muli naman siya tumingin sa relo niya at padabog na umupo sa bench na naiinip. Maya't-maya ay may lumapit sa kanya kaya inis niya itong tinignan.

"Bakit ang tagal niyo?!" hindi mapigilang asik ni Larissa sa dalawa.

"Sorry girl! Ngayon lang kase natapos yung shift ko!" sambit Jenn. Kinuha naman nito ang kamay ni Larissa para mapatayo at nagpatianod nalang sa kasama, kung saan man ito pupunta.

"Ikaw ah! Hindi mo sinabi na personal maid ka ng gwapong lalaki!" bulalas ni Ken habang kumikembot pa ang bewang nito sa paglalakad para mapatingin sa kanila ang ibang naglalakad.

"Umayos ka nga! Para ka namang sira d'yan!" saway ni Jenn saka hinampas sa braso ang bakla. Tumawa lang ito at walang pasabing inakbayan si Larissa. "Kamay mo!"

Tumawa lang ang dalawa saka pumasok sa loob ng mall para maglibot.

¤¤¤¤

Alas-sais na nang hapon ay naka-upo pa rin silang tatlo sa bench at nagk-kwentuhan ng kung ano-ano. Nagvibrate naman ang cellphone ni Larissa sa dala niyang sling bag kaya kinuha niya iyon. Napakunot naman ang noo ng dalaga dahil number lang ang nasa screen.

"Sino yan?" tanong ni Jenn nang makita ang hindi pamilyar na numero. "Wait, sagutin ko lang 'to." sambit ni Larissa.

"Hello?"

"Where are you?!"

Nanlalaking lumingon ang dalaga sa nga kaibigan na ngayo'y nakatingin sa kaniya. "Nasa labas, gumala ako kasama mga friends ko!"

Agad naman siya binabaan ng tawag kaya nagpasya na bumalik nalang sa mansyon ang dalaga. Naabutan naman ni Larissa si manang Josefine na may dalang tray na may pagkain kaya agad niya itong nilapitan.

"Para kanino po iyan, manang Josefine?" agarang tanong niya. Lumingon naman sa kaniya ang ginang.

"Andito kana pala! Dali, dalhin mo 'to sa kwarto ni Yevhen at inaapoy 'yon ng lagnat!" natatarantang sambit ni manag josefine sabay bigay ng tray sa dalaga at tinanggap naman ito.

Dali-daling umakyat ang dalaga sa hagdan papunta sa kwarto ng binata. Gamit ang paa ay binuksan ni Larissa ang pintuan at nakita ang inuubong binata sa kama nito. Lumapit naman siya at inilagay ang tray sa maliit na lamesa malapit sa kama ng binata.

"Ang init mo!" bulalas ni Larissa nang nilagay niya ang likod ng kamay niya sa noo at leeg ni Yevhen.

Pinapanood lang ni Yevhen ang ginagawa ng dalaga sa pagpupunas nito sa mukha niya gamit ang malinis na bimpo. Dahan-dahan naman umupo ang binata, akma naman niya kukunin ang bimpo nang mabilis iyon inilayo ng dalaga. "L-Let me..."

"Ano ba! Wag ka nga malikot!" saway ni Larissa sa binata kaya tumahimik nalang siya.

Kinuha naman ni Larissa ang mangkok sa bedside table saka umupo sa gilid ng kama. Kahit naiilang siya dahil nakatingin lang sa kaniya ang binata ay hindi nalang niya iyon pinansin.

"Ano ba ang pinaggagawa mo kaya nilagnat ka?" tanong ni Larissa habang hinahalo-halo ang lugaw gamit ang kutsara. "Kumain ka na, wag kang maarte." sambit ni Larissa.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now