Chapter 17

43 1 0
                                    

Chapter 17

Maaga naman nagising si Larissa at nilibot naman niya ng tingin ang paligid niya dahil pamilyar ito sa kaniya. Maya-maya naman ay napabalikwas siya ng tayo dahil sa isang kasambahay na kasama niya, nakatingin ito sa kaniya.

"Bhe, hinihintay ka ng amo mo" saad nito saka agad na umalis sa kwartong iyon para maiwan doon si Larissa. Tumayo naman siya saka tinignan ang sarili, nakasuot pa pala siya ng dress kaya binuksan naman niya ang drawer niya at kumuha ng damit.

Nang matapos siya maligo ay agad naman niya inayos ang sarili bago pumasok sa loob ng kwarto ng binata. Wala naman tao sa loob kaya nakahinga naman siya ng maluwag at nilinis ang kwarto ng binata.

habang naglilinis siya ng kwarto ng binata ay narinig naman niya ang pagbukas ng pinto kaya bumaling siya roon at nakita niya ang binata. Agad naman siya bumalik sa ginagawa para matapos na siya.

"Masakit pa paa mo?" tanong ng binata saka umupo sa gilid ng kama. Tango lang ang sagot ni Larissa bilang sagot sa binata at hindi niya iyon nilingon dahil alam niyang nakatingin ito sa kaniya, lalo na ang pasa niya sa paa.

May kinuha naman si Yevhen sa ilalim ng kama nito, isang box at lumapit ito kay Larissa, gulat naman napatingin ang dalaga sa kaniya.

"A-Anong..."

"Don't move." Saad ng binata. Hinayaan naman ng dalaga na hawakan ng binata ang paa niya saka nilagyan ng gamot. Nang matapos ay nagpasalamat naman si Larissa sa kaniya, ngumiti naman ang binata saka lumabas ng kwarto. Natapos na ng dalaga ang mga gawain niya kaya niligpit naman niya ang mga gamit saka dumiretso sa kusina para kumain ng pang-agahan.

Nadatnan naman niya ang magkakapatid na masamang nakatingin sa isa't-isa. Tahimik naman siyang umalis doon at dumiretso nalang ang dalaga sa kwarto kung saan din ang ibang kasama sa mansyon. Ang iba ay nagkukwentuhan at ang iba ay nakahiga sa higaan nila.

May nag-abot naman ng isang plato na may lamang pagkain sa dalaga. Tinignan naman niya iyon kung sino at nakita niya sa Ysay.

"Salamat." pasasalamat ni Larissa rito. Ngumiti naman ito sa kaniya saka umupo sa tabi niya.

"Yung magkapatid na yun palagi nalang nag-aaway, e. Pati kami nadadamay kasi bawal namin marinig yung mga pinag-aawayan nila." kwento nito. nakatingin lang naman sa kaniya si Larissa nang may sumingit sa kanila.

"psst! Gusto niyo ba mawalan ng trabaho?"

Agad naman umiling ang katabi ni Larissa, habang ang dalaga ay takang tinignan ang kasama. Lumingon naman sa kaniya si Ysay. "Ubusin mo na 'yan, baka wala na sila sa kusina." ani Ysay.

Tinapos nalang ng dalaga ang pagkain niya saka agad na lumabas sa kwarto. Wala namang tao sa kusina nang dumating si Larissa. Agad naman niya hinugasan ang plato na ginamit niya.

¤¤¤¤

Agad naman umupo sa bench si Yevhen at hawak naman nito ang softdrink sa kabilang kamay niya. Pinagmasdan naman niya ang mga ibon na nasa sanga ng mga puno.

"Hey, are you okay?"

Lumingon naman ang binata sa gilid niya at nakita niya ang dalaga na malawak na nakangiti sa kaniya. "Hey."

Hinayaan naman niyang umupo ang dalaga sa tabi niya. "Why don't you join us, Yev?" usal naman ni Beatrice nang makalapit ang mga kaibigan ng binata.

Ngumiti lang ang si Yevhen sa kanila. "By the way ang ganda ng maid mo, ha." sambit ni Joanna. Mula sa peripheral vision ng binata ay nawala ang ngiti sa labi ng dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now