Chapter 7

266 5 0
                                    


Chapter 7

Alas-kwatro pa lang ay gising na ang dalaga para ayusin ang sarili niya. Kinuha naman niya sa cabinet ang isang pares na damit niya saka twalya para maligo. Kahit gusto niya pang matulog ay kailangan nyang asikasuhin ang simpatikong amo niya.

Nang matapos naman siyang maligo ay agad ito pumunta sa salas para asikasuhin ang pagkain ng binata.

"Magandang umaga 'ho manang Jose." bati ni Larissa nang makapunta siya sa kusina para magluto. Pinigilan naman siya ng ginang.

"Ako na mag-aasikaso ng pagkain nila, puntahan mo nalang si Yevhen sa kwarto niya at gisingin." utos sa kaniya ni manang josefine.

Magsasalita na sana siya ng makita niyang seryosong nakatingin sa kaniya ang ginang kaya tumalikod na siya at pinuntahan ang binata sa kwarto nito. Dahan-dahan naman niya binuksan ang pinto at tahimik na pumasok sa loob. Napabuntong-hininga siya ng makita niyang nagkalat ang mga damit at gamit ng binata.

"Anong klaseng kwarto 'to? Parang tirahan ng manok!" bulong niya sa sarili saka lumapit sa natutulog na binata. Pinagmasdan naman niya ang maamo nitong mukha. Hanggang sa makapal nitong kilay, mahabang pilik-mata at sa matangos nitong ilong. Napako naman ang paningin niya sa labi ng binata. Ramdam niyang namula ang magkabilang pisnge niya dahil sa naalala niyang paghalik sa kaniya nito, kung paano angkinin nito ang labi niya.

Ipinagpasalamat naman niya na hindi siya naalala nito kung hindi ay kusa siyang aalis sa trabaho.

"Are you done raping me from your mind?"

Napasinghap naman si Larissa hindi dahil sa sinabi ng binata, kundi dahil sa sobrang lapit ng mukha nito na ilang dangkal nalang ay magdidikit na ang mga labi nila.

Nang makabawi sa gulat ay mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo siya saka umatras ng ilang hakbang papalayo kay Yevhen na nakangising pinapanood siya.

"Memoryado mo na ba buong mukha ko?" pang-aasar nito sa kaniya.

Hindi naman niya iyon pinansin kahit hiyang-hiya na ang nararamdaman niya at gusto na niyang umalis kaagad sa loob ng kwarto nito. "P-Pumasok lang ako dito sa k-kwarto mo para gisingin ka." Iyon lang ang lumabas sa bibig niya.

Tumango-tango naman ang binata saka tumayo sa higaan nito at pumasok sa banyo.

Agad naman lumabas si Larissa sa kwarto at dumiretso sa gilid ng pool para kumuha ng hangan mula sa labas. "Who are you?"

Lumingon naman ito sa likuran niya at nakita ang isang babaeng nasa 40s na. Nahihiyang yumuko si Larissa.

"Ako... Po si Larissa, bagong personal maid ni ser Yevhen." pakilala niya sa ginang.

Umayos naman siya ng tayo nang pinasadahan siya ng tingin nito. "Oh! Magka-edad ba kayo ng anak ko?" nakangiting tanong nito.

"Hindi po yata... Ma'am."

"How old are you?"

"Nineteen years old." mabilis na sagot niya. Tumango naman ang ginang saka tumalikod para maiwan mag isa sa gilid ng pool. Maya-maya ay bumalik na rin siya sa loob para ayusin ang kwarto ng binata.

"Ser, papasok po ako!" paalam niya. Wala naman siyang narinig mula sa loob kaya binuksan na niya ang pintuan at pumasok na may dalang basket para lagyan ng labahan.

Isa-isa naman niya pinulot ang mga damit sa sahig. Napa-iling nalang ang dalaga dahil marami ang lalabahin niya ngayong araw. Lumabas naman siya sa kwarto nang matapos siya saka dumiretso sa likod ng mansyon kung saan ang washing area nila.

"Ay! Ang dami naman iyan, ineng!"

Pakla naman tumawa si Larissa. "Nananadya na yun lalaking 'yon!" inis naman siyang umupo sa upuan na malapit sa kaniya. "Alam mo bang hindi lang ikaw ang nakaramdam ng gan'yan. Yung stress. "

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ