CHAPTER 7: Kung Wala Ka

2K 72 21
                                    

CHAPTER 7: Kung Wala Ka

"Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako.

Hetong nakatulala sa mundo, sa mundo."

- Kung Wala Ka by Hale


PRESENT

Kakatapos lang kuhanan ng bone marrow sample si Nanay nang may matanggap akong text message galing sa isang unknown number.

It's Ysmael. Please save my number.

It's been three days since Ysmael and I last saw each other. I'm glad that he's given me a few days to calm down before contacting me.

We'll stay here for a day para sa recovery ni Nanay. I'll drive her home the day after tomorrow. Doon ko na hihintayin ang resulta ng bone marrow matching result nila ni Savanna. I just hope, kahit alam kong next to impossible ito, na maging match silang mag lola. Kasi kung mangyayari 'yun, I don't have to talk to Savanna's father again.

I can just disappear again and I don't have to tell him about her.

Hindi ko na muna iisipin 'yun. I promised Ara to take one step at a time.

One day at a time. One task at a time.

"Anak? Hindi mo ba ako sasamahan dito?" narinig kong tanong ni Nanay. We are in her private room at the hospital. I booked her one to give her a day to recover. She's old and she needs it. It's my of saying thank you to her for doing this for Savi.

I kept my back to her and continued packing my stuff. "Gusto ko sanang dalawin 'yung anak ko," sagot ko sa kanya.

"Nandito siya sa Manila?" No. Pero hindi niya kailangang malaman na kaya kong tawagan kahit saan ang anak ko kung gusto ko itong makita. At kung sapat na oras din ako para makauwi ng Baguio, mas pipiliin kong bumyahe magdamag pauwi kaysa makasama siya nang magdamag sa iisang kwarto.

Hindi ako kumibo.

"Hindi mo talaga siya ipapakilala sa akin?"

Humarap ako sa kanya nang marinig ang lungkot sa boses niya. How dare she be sad over this? "Para saan pa?" mabilis kong tanong sa kanya, nagtitimpi. "Kakayanin ba ng konsensya mo makita 'yung apo na sinubukan mong patayin?"

Umiling siya at napansin ko ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. "Iniisip ko lang ang kinabukasan mo noon, anak."

Right. She didn't even ask me then what I wanted in my life. Anong alam niya sa kinabukasan na gusto ko? "Kasi hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral kung magkakaanak ako? Hindi ako magiging successful?"

"Alam ko nagkamali ako—"

"Kasi nakita mo nang maayos ang buhay ko kahit wala akong college diploma? Na may sarili akong kotse na binili ko gamit ang sarili kong pera? Ganun ba, Nanay?" sunud-sunod kong tanong. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am just so tired, so angry.

She put us in this position. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sakit ang baby ko.

"Araw-araw kong pinagsisisihan na pinilit kitang uminom ng pampalag—"

What she was trying to say set me off. "Hindi mo ako pinilit! Nilason mo ako araw-araw! Hindi mo na ba naaalala kung anong ginawa mo sa akin?"

"Leila—"

"Ipapaalala ko sa'yo, huwag kang mag-alala," singhal ko sa kanya, hindi ko na napigilan lalo ang aking sarili. "Matapos niyo kong bugbugin ni Tatay, naaalala niyo ba yung mga panahon na hinaluan niyo ng pampalaglag 'yung gatas na iniinom ko gabi-gabi?"

His Forever GirlWhere stories live. Discover now