CHAPTER 8: Paraluman

1.9K 57 10
                                    

CHAPTER 8: Paraluman

"Oh, Paraluman.

Ika'y akin nang dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso."

Paraluman by Adie


PAST

Kakatapos ko lang ayusin ang kwarto ni Miss Sahara, anak ng fiance ni Don Eric, nang mag ring ang phone ko. Pangalan ni Sir Apollo ang nakita ko nang sinilip ko sa screen kung sino ang tumatawag.

"Hello, Sir Apollo."

"Where are you?" mahinahon nitong tanong. Alam ko nang may iuutos ito. Ganyan ang bati niya parati kapag meron siyang iuutos sa akin.

"Nasa Casa po," sagot ko sa kanya habang tinitignan ang buong kwarto ni Miss Sahara. Naghahanap ng something na out-of-place or kailangan pang linisin. Kabilin-bilinan kasi ni Don Eric na linisan at gandahan ang ayos ng room ng future stepdaughter nito.

"We're going to have a field party tonight. Can you get us 10 boxes of pizzas and drinks? Ikaw na bahala which flavors to get."

"Okay po, sir."

"Get some cash na lang sa bedside table ko," dagdag pa nito. "Get more than enough tapos keep the change na."

As always. Minsan iniisip ko, 'yun 'yung paraan niya para hindi masyadong ma-guilty sa pag-uutos sa akin na hindi naman para sa casa o hacienda.

"Okay po," muling sagot ko. Wala naman siya dapat ika-guilty kasi ito naman talaga ang trabaho. Pero hinahayaan ko na lang siya, ayoko na makadagdag pa sa mga iniisip niya.

"Thank you, Leila."

Muli kong tinignan ang kwarto ni Miss Sahara. Muli kong sinipat ang bawat sulok nito kung meron akong hindi napunasan at may natira pang alikabok o baka meron pang mga gamit na wala sa kanilang nararapat na pwesto.

Mukha namang okay na ang lahat. Parang sinabugan nga lang ito ng pink na pintura dahil sa daming pink na gamit dito. Sobrang arte na niya kung may hindi pa siya magugustuhan sa kwarto niya. Sana talaga hindi spoiled brat itong magiging alaga ko. At sana ay sandali ko lang siyang sasamahan dahil marami akong ginagawang trabaho dito sa hacienda at casa.

***

Naglalakad ako pababa ng front steps ng Casa Arcangel nang mapansin ang paparating na kotse, at kahit malayo pa lang ay alam ko na kung kaninong kotse ito.

Ysmael.

I mean, Sir Ysmael.

Hindi ko dapat makalimutan noon. Tama ang sinabi ng mga magulang ko. Hindi ko dapat makalimutan kung ano ang lugar ko dito sa Hermosa. Katulong ako at mga amo ko si Sir Apollo... pati na ang mga kaibigan niya.

Hindi ko na hinintay pa na maabutan niya ako sa hagdan at nagmadali na akong maglakad papunta sa direksyon ng aking bike. Agad akong sumakay dito at nagmadaling paandarin nito. Pero bago pa ako makaikot at makalabas ng arko ay may malakas na bumusina sa likuran ko.

I know it's him.

Hindi ko siya nilingon pero gumilid ako para makadaan siya. Patuloy akong nag-bike nang hindi tinitignan ang kotseng sumusunod sa akin. Kung ano man ang balak niyang puntahan sa Casa Arcangel ay mukhang kinalimutan na niya para sundan ako.

Narinig ko ang pagbaba ng salamin sa bintana ng kotse niya.

"Hey, Leila!"

Dahan-dahan akong huminto at lumingon sa kanya, huminto rin ito.

His Forever GirlWhere stories live. Discover now