CHAPTER 3: Parallel Universe

10.2K 431 159
                                    

CHAPTER 3: Parallel Universe

"In a parallel universe, where timing is kind to us,

Maybe we would be alright."

- Parallel Universe by Clara Benin


Pagdilat ko ng aking mga mata, ilang segundo akong nagtaka dahil hindi pamilyar ang wallpaper sa pader ng kwarto ko at ang mga gamit na nakikita ko. Napakapa rin ako sa tabi ko dahil bigla kong naalala si Savannah.

Napaupo ako sa takot at kaba dahil hindi ko siya nakita. Patuloy ang malakas na pagkabog ng dibdib ko at unti-unti na akong nahihirapang huminga.

Sisigaw na sana ako nang maalala ko kung nasaan ako.

I am in Ever's Meadow Bed and Breakfast.

I am back in Hermosa.

Hindi ako makapaniwala na nandito ako ulit. Matapos ng ilang taon, hindi ko inakala na magbabalik ako rito sa Hermosa dahil isinumpa namin ni Ara na hinding-hindi na aapak ang mga paa namin sa probinsyang ito.

Pero malupit talaga ang tadhana. Gagawa at gagawa ito ng paraan para parusahan ka sa mga kasalanang akala mo ay napagbayaran mo na.

Akala mo ay dumaan ka na sa pinakamatinding pagdurusa, iisipin mo ay kakayanin mo na ang lahat.

Akala mo ay dumaan ka na sa sukdulan, wala nang mas lulupit pa na problemang darating sa buhay mo.

Lahat talaga ng mga 'akala' ay hinding-hindi magiging tama. Bakit ba nakakalimutan ko 'yun pagdating sa tadhana? Hindi pa ba sapat na ebidensya ang mga nangyari noon para hindi ko paniwalaan na ang buhay ko ang pabiro nitong paglaruan?

Napapikit ako ulit at napahiga. Kinapa ko ang phone ko na nilagay ko sa ilalim ng aking unan at tinignan kung merong text galing sa mga kasama ko sa bahay sa Baguio.

Agad akong napangiti nang makitang nag-send si Dash ng picture ni Savi na natutulog at nakanganga.

Meron din akong natanggap na text message galing kay Hiro. Pero tungkol lang ito sa utility bills at iba pa naming mga bayarin for this month. Nag-transfer na ako ng hati namin ni Savi sa shared bank account naming lahat at nag-reply sa kanya na okay na ang share namin.

Si Ara naman ay nag-send lang ng videos at memes. Hindi siguro siya makatulog kagabi kaya siya nag-flood sa Facebook messenger ko.

Hindi ko siya masisisi, hiindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi. Sobrang ingay at gulo ng isipan ko, para bang pinipigilan nitong makatulog ako dahil alam nitong pag gising ko... kailangan ko na harapin ang totoong ipinunta ko rito sa Hermosa.


From: Everly Estrella

Good morning, Lei!

If you need someone to be with you today,

I'm just one call or text away, okay?


Napabuntong-hininga ako. Nagbalik na naman kami sa posisyon namin 4 years ago, kaming tatlo na naman ang nakakaalam kung gaano kahirap ang pagdadaanan namin. Kaming tatlo na naman ang hindi makatulog nang maayos.

Kami na naman ang magtutulungan para maayos ang gulong ito.

Bumangon ako ulit sa aking pagkakahiga at nag-reply sa kaibigan ko. No need, Everly. Alam kong sobrang busy ka, kaya ko na rin namang mag-asa.

His Forever GirlWhere stories live. Discover now