CHAPTER 13: Moving Closer

1.2K 46 4
                                    

CHAPTER 13: Moving Closer

"Inch by inch, we're moving closer

Feels like a fairytale ending

Take my heart, this is the moment

I'm moving closer to you"

- Moving Closer by Never the Strangers


PAST

Sahara Israel was fun, unpredictable, and... wild.

'Yan ang maisasagot ko kung tatanungin ako kung kumusta ang pag-aalalay sa future stepdaughter ni Don Eric. Halata ring naiilang pa siya sa akin at hindi pa siya nagtitiwala sa akin.

Understandable naman dahil bago lang kami nagkakilala. Hindi niya pa nga yata alam na ako ang chaperone niya habang naninibago pa siya rito sa Hermosa.

Mukhang laki siya sa aircon tulad ni Sir Apollo dahil init na init siya sa klima ng Hermosa. Kaya nagmumukmok siya ngayon sa kwarto niya at mas piniling mag skincare na lamang.

Ayos lang ito sa akin dahil mas marami akong oras para gawin ang iba ko pang responsibilities dito sa Casa Arcangel. Malaya rin akong nakakagamit ng bago kong phone dahil hindi ko siya kailangang aliwin. Madalas kasi siyang nabo-bore at ang dami niyang tanong tungkol sa Hermosa...

At kay Sir Apollo.

Biglang nag-vibrate sa bulsa ko ang smartphone na bigay ni Don Eric. Tumingin muna ako sa paligid kung merong mga matang maaraming magsumbong sa mga magulang ko. Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila na meron na akong bagong phone, baka utusan pa akong ibalik ito kay Don Eric.

Or worse, baka ipasangla nila ito.

Binuksan ko ang message nito at nagtaka sa tinatanong nito.


From: Ysmael Hidalgo

How's Apollo's stepsis?


Bakit si Miss Ara ang kinakamusta nito? At bakit ako ang tinatanong niya at hindi ang best friend niyang si Sir Apollo? Unless pinagbawalan na sila ni Sir Apollo na lapitan at pormahan ang future stepsister nito?

Nag-reply pa rin ako sa kanya kahit maraming tanong ang nasa isip ko.

Ang hirap talaga kapag overthinker.


Leila: Mukhang bored na bored

Leila: Pero ayaw lumabas ng kwarto

Leila: Because "it's so fucking hot here"

Ysmael: She sounds fun


Hmm... Fun? Bago ko man kuwentyunin ito ay may natanggap ulit akong message galing sa kanya.


Ysmael: Anyway

Ysmael: What are you doing now?

Leila: Nag-aayos lang ng files sa office ni Don Eric

Leila: Ikaw?

Ysmael: I'm here at the cabin, in Everly's fam beach

Leila: Sino kasama mo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Forever GirlWhere stories live. Discover now