CHAPTER 6: A Little Bit

5.2K 173 78
                                    

CHAPTER 6: A Little Bit

"Maybe I'm confused when you are near me,

I don't know what to do or I should be."

- A Little Bit by MYMP


PAST

"Marami akong pwede isagot diyan," agad kong sagot sa kanya nang maka-recover sa simple nitong banat sa akin. "Unang-una na diyan ay hindi ito magandang idea."

Hindi magandang idea na maging interesado siya masyado sa akin!

"Try me," hamon nito. "Tell me everything."

Binigay ko kaagad sa kanya ang pinakamatindi at mabigat na sagot kung bakit hindi kami pwede maging... friends.

"Hindi pwede kasi malaki ang tyansa na pinaglalaruan mo lang ako, katulong ako ng childhood friend mo, at wala akong interes sa kahit anong distraction sa pag-aaral."

Umiwas siya ng tingin sa akin bago nagkibit-balikat at nagsalita. "Fair enough."

Hindi ko alam kung bakit para akong nakakain ng kung ano at nanuot ang pait sa panlasa ko dahil sa sinabi niya. Pero bago ko pa man pag-isipan ito nang maigi ay muli na siyang nagsalita at nagpalit na ng topic.

"So, let's go eat?"

Agad akong napatingin sa Bean&Bean, parang nandito lang kami noong unang beses niya akong nilibre. Ilang araw na ba ang lumipas?

"Kakain lang tayo?" tanong ko, rinig ang pagdududa sa tono ko.

"Yup, tapos ihahatid na kita sa Hacienda."

Agad akong umiling sa alok niya. "Hindi na, may pila naman ng tricycle diyan sa tabi ng simbahan."

Nagulat ako nang bigla nito akong siniko ng pabiro. "Tsk, ano ba. Ako na bahala sa'yo," sabi pa nito bago kumindat. "Sagot kita."

Hindi na ako umimik pa at inunahan na lang siyang bumaba ng sasakyan niya. Dali-dali ay naglakad ako papasok ng Bean&Bean.

"Dun ka sa upuan natin. Mag-oorder na ko dito sa counter nung ililibre ko sa'yo," utos nito, mabalis na nakasunod sa akin.

"Okay," mabilis kong sagot at layo sa kanya dahil nakakuha kaagad siya ng atensyon sa ibang customers. Minsan ay nakakalimutan kong celebrity itong kaibigan ng amo dahil parang tipikal na binata lang naman siya dito sa Hermosa... sobrang gwapo at bait lang niya.

Nagulat ako nang biglang sumulpot ito, na para bang narinig na siya ang iniisip ko. Agad niyang inilapag sa mesa ang tray na may dala ng mga inorder niyang pagkain para sa aming dalawa.

"So... I ordered a bistek rice bowl and an adobo flakes rice bowl. They are my favorites. You're going to love it kung ano man ang piliin mo."

"Anong pipiliin mo?" tanong ko, hindi kumportable na maunang kumuha ng pagkain. Sa loob ng ilang taong pamamasukan sa Casa Arcangel, nasanay na akong mauna munang kumain ang mga amo ko at saka na lang kami sabay-sabay kumain sa may kusina ng iba pang mga helper.

"We could share both," magulong sagot ni Ysmael. "Gusto ko lang talaga i-share 'tong new discoveries ko."

Share kaming dalawa? Bakit? Hindi ba ang weird nun masyado para sa aming dalawa? Pero hindi ko na sinabi sa kanya ang pagtataka ko at kinuha na lang ang pinakamalapit na bowl sa akin, 'yung may lamang bistek.

Tahimik kaming kumain at hindi muna nagpansinan. Para bang magkakagalit dahil sa gutom. Kaya naman halos mabulunan ako nang bigla siyang magsalita.

"Tell me about your friends."

His Forever GirlWhere stories live. Discover now