CHAPTER 2: Lovestruck

12.3K 367 43
                                    

CHAPTER 2: Lovestruck


"I met you last night,

Stars never shine that bright."

- Lovestruck by Over October


4 YEARS AGO

Sanay na dapat ako. Pero kahit ilang beses na mapunta ako sa sitwasyong ito, hindi ko pa rin magawang masanay. Marangal naman ang trabaho ko at wala akong tinatapakang tao, pero hindi ko pa ring maiwasang manliit sa ilalim ng mapanuri nilang mga mata.

"Thank you, Leila," salubong sa akin ni Sir Apollo bago niya ako tulungan sa mga dala kong limang boxes ng 18 inches pizza at isang plastic bag na puno ng limang tig-iisang litro ng softdrinks.

"Welcome po, Sir Apollo," bulong ko sa kanya pabalik. Ayokong iparinig sa iba ang pagtawag ko ng 'sir' sa kanya dahil sa deal naming dalawa. Hindi ko siya tatawaging 'sir' kapag nasa school o nasa presence kami ng mga schoolmates namin sa labas ng university. Sa Casa Arcangel ko lang ito gagamitin para sa mga tenga ng ibang trabahador at sa aking mga amo.

"Yes! Food's here!" rinig kong sigaw ni Sir Reed. Maya-maya lang ay nasa harapan ko na siya at kinuha sa akin ang dala kong pagkain nila. "You're a goddamned lifesaver, Leila."

I'm just doing my job, Sir.

"Apollo, make sure to give her a huge tip," sabi pa nito sa anak ng amo ko.

Nakita ko siyang sumimangot nang bahagya kay Sir Reed. "She's not a server, you idiot."

Speaking of tip, kinuha ko sa bulsa ng school uniform ko ang sukli niya. Inabot ko ito sa kanya. "'Yung sukli niyo po pala."

Umiling siya at ngumiti. "Keep the change."

Ngumiti na lang din ako sa kanya kahit na halos mamatay ako sa kahihiyan habang ibinabalik sa bulsa ko ang sukli niya. I know he means well. Pero dahil sa ginawa niyang 'yun sa harapan ng schoolmates namin, lalo lang nadiin sa mga paningin nila na kahit kami ay pare-parehong estudyante ng DASU, mas mababang uri pa rin ako kumpara sa kanila.

"Sige na, Leila. You can go now," sabi pa nito bago ibinalik ang atensyon sa mga pinamili kong pagkain at inumin na nilapag nila sa isang long table.

Tumango ako at naglakad na paalis.

"Hey, Leila. Can you throw this to the trash bag?" narinig kong utos ng isang matinis na boses. Iisa lang ay kilala kong nag mamay-ari ng ganung boses. Sa loob ng labing-limang taon kong nag-aaral sa Hermosa at nakakasalamuha si Chandria de Quiroz, wala siyang pinalampas na araw para ipaalala sa akin na katulong lang ako ng mga Arcangel.

She's my long-time bully.

Sa tuwing inaapi at pinapahiya niya ako, wala akong choice kundi lunukin lahat ng sinasabi at ginagawa niya sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Sir Apollo, ayokong gumawa ng ikakasakit ng ulo nila. Baka mawala pa ang scholarship ko kung magsusumbong at gagawa ako ng ingay sa Hermosa.

Walang imik ay lumapit ako kay Chandria para kunin ang pulang plastic cup na hawak niya. Maaabot ko na sana ito nang bigla nitong itinapon sa dibdib ko ang laman nito... nabasa tuloy ako ng malamig na beer.

"Oops. Nadulas," sabi nito habang nakangisi. Narinig kong magtawanan ang mga kaibigan niyang nakapaligid sa kanya, masugid na nanunuod sa bagong episode ng 'Chandria Bullies Leila Show'.

His Forever GirlWhere stories live. Discover now