CHAPTER 12: Migraine

1.2K 48 29
                                    

CHAPTER 12: Migraine

"Nahihilo, nalilito.

Asan ba ko sa'yo? Aasa ba ko sa'yo?"

- Migraine, Moonstar88

PAST

Kakapasok ko lang ng kusina, buhat-buhat ang mga pinamiling groceries, nang salubungin ako kaagad ng utos ni Nanay. Nakalagay sa kitchen counter ang isang malaking tray na may lamang softdrinks, tig-tatlong baso, plato at pares ng mga kubyertos para sa maghahati-hati sa isang serving plate na puno ng Spaghetti.

"Leila, anak. Dalhin mo nga itong merienda nina Sir Apollo."

Hindi ko na kailangan pang tanungin sa kanya kung nasaan si Sir Apollo at kung sino man ang kasama niya ngayon. Lagi naman niyang dinadala ang mga bisita niya sa entertainment room ng Casa Arcangel.

Pero agad akong napaisip kung kasama kaya niya ngayon si Ysmael?

Teka, ano naman kung nandito siya? Hindi na nga siya muling nagparamdam matapos naming mag-usap noong tinulungan niya akong bumili ng pagkain para sa huling field party. Pero medyo nakakalito lang. Dahil matapos ko siyang pagsabihan na hindi kami maaaring maging magkaibigan ay nagsabi naman siyang liligawan niya ako.

Pero matapos ang ilang araw... natatawa na lang ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa kanya.

Malamang ay lasing lang siya noong gabi na 'yun at hindi ko namalayan. Baka magaling lang siyang magtago at hindi ko nahala, o naamoy man lang ang alak sa hininga niya. O maaari ring pinag-tripan niya lang talaga ako ng gabing 'yun.

At ngayon, malaki ang posibilidad na nandito siya sa Casa Arcangel.

Bahala na. Dadalhin ko lang itong merienda nila at aalis na ako kaagad. Hindi ko kailangang hanapin siya o tapunan siya ng pansin. Mapapahamak lang ako kapag pinansin ko siya at may makakakita.

Kaya walang anu-ano ay sinunod ko na ang utos ni Nanay at dinala ang merienda nila sa Entertainment room, kung saan madalas silang tumambay sa Casa Arcangel.

"Sir Apollo?" tawag ko sa kanya mula sa pinto, hindi kayang kumatok dahil sa bigat ng tray na dala. "Nandito na po ang merienda niyo!" dagdag ko pang sigaw.

Wala pang ilang segundo ay bumukas na ang pinto sa Entertainment room. "Come in," sabi nito sa akin matapos niya akong tuluyan pagbuksan ng pinto. "Thanks for bringing those here, Leila."

"Food! Finally!" sigaw pa ni Sir Reed na bumalik din naman sa paglalaro.

"Walang anuman, sir," sagot ko matapos lumapit sa center table para ilapag ang tray na dala-dala.

Sa center table... kung saan nasa tapat nito ay si Ysmael. Ang awkward naman nito.

Lumapit ako sa harapan niya at inilapag ang tray na may laman ng pagkain nila. Hindi ko alam kung bakit pero sa kanya nakatuon ang atensyon ko, kahit na hindi nito ako tinatapunan ng pansin.

Ramdam ko ang init ng atensyon nito sa akin. Hindi ko tuloy naiwasang mapalingon sa kanya at mahuli na nakatingin nga ito sa akin.

Agad akong napatayo nang diretso. "Merienda niyo po," sabi ko pa sa kanya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsalita dahil sa panic.

"Thanks," sagot nito bago bumalik sa paglalaro ng playstation.

Tumango na lang ako at akmang paalis na nang magsalita si Sir Apollo. "Hey, Leila. Pakuha naman ng pitcher ng water and new glasses please. Thanks."

His Forever GirlWhere stories live. Discover now