CHAPTER 5: Kisapmata

3.4K 177 20
                                    

CHAPTER 5: Kisapmata

"O, kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo sinta,

Daig mo pa ang isang kisapmata."

- Kisapmata by Rivermaya


PRESENT

Hindi ako makahinga.

Shit. Five minutes ago nasa Bean&Bean lang ako, ngayon ay nandito ako sa kotse ko at malapit nang mag-hyperventilate sa parking area ng bed and breakfast ni Everly. Hindi ko na nga napansin na napayakap na ako sa steering wheel dahil sa panic at takot na bumalot sa akin nang makita ko ang nag-iisang ex-boyfriend ko.

I was not prepared to see Ysmael Hidalgo today. After almost 4 years of not seeing him or being around him, I was not prepared to see him at all.

Oh, my God. Kakakausap ko pa lang sa nanay ko kanina, step one or two pa nga lang halos ang nagagawa ko sa listahang ginawa ko para mabilis kong matapos ang mission ko rito sa Hermosa at para makabalik ako agad sa aking anak.

Parang nasa pang-lima pa sa listahan ko ang harapin ang tatay ng anak ko!

Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok sa bintana ko. Bahagyang bumaba ang level ng kaba ko nang mapansin na si Everly ito. Agad akong lumabas sa kotse ko at yumakap sa kanya.

"You saw him," bulong ng kaibigan ko nang yakapin niya rin ako.

Agad akong napalayo sa kanya at gulat siyang tinignan. "Paano mo nalaman?"

"He called me. I think he figured out that you're staying here."

No! Does that mean he's going here? Pupuntahan niya ako at kakausapin?

"Don't tell me susundan niya ako? Hindi pa ako handang makita siya, Everly!"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinubukang pakalmahin. "I know and he knows it, Leila. Well, at least 'yun ang sinabi niya sa akin. Bigla ka na lang daw kumaripas ng takbo e."

Sisigawan ko sana siya dahil sa panlalaglag niya sa akin nang unahan niya akong magsalita. "Sinabihan ko na siya na hindi siya pwedeng pumunta rito hangga't dito ka tumutuloy."

Umiling ako. Hindi niya kilala si Ysmael. Pursigido ang taong 'yun kapag meron siyang gustong makuha! "Hindi mo ako naiintindihan, Everly!" You don't know him like I do! "Bakit mo sinabi sa kanya na dito ako tumutuloy?"

"Leila!" sigaw nito sa akin at napatigil ako sa pag galaw. Mas lalong humigpit din ang pagkakahawak niya sa magkabilang braso ko. "Don't worry, I made him promise not to come here. Sinabi ko na haharapin mo na siya kapag ready ka na."

Hindi ako umimik. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

"He just wants to know if you made it okay. He was just worried, I think."

Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa akin at umiling. "Paano kung hindi siya nagsasabi nang totoo? Paano kung pumunta pa rin siya rito?"

I am not ready to face him. Wala ako sa tamang pag-iisip at ubos na ubos na ako dahil sa sagutan namin ni nanay kanina. Hindi ko alam kung kakayanin kong mapigilan ang sarili kong sabihin sa kanya ang tungkol sa kondisyon ng anak namin.

I don't want him to know about her yet.

"Ipapa-blotter ko siya kapag pumunta siya rito," nakangising sagot sa akin ni Everly. "I don't care if his family founded this town. Hindi siya welcome dito hangga't nandito ka, Lei."

His Forever GirlWhere stories live. Discover now