Kapitulo - XI

95 8 64
                                    

ARAW ng mga puso at abala ang lahat sa tahanan ng mga Sarmiento sapagkat ngayon idadaos ang kaarawan ni Doña Araceli.

"Maligayang kaarawan sa iyo, aking pinakamamahal na asawa." Bulong ni Don Xavier sa asawa nang makapasok ito sa silid.

Nakikita ng doña ang kanilang repleksyon sa salamin, napangiti siya at humarap pagkatapos ay hinalikan sa labi ang esposo.

"Kay daming naganap sa ating buhay ngunit hindi ko pwedeng makaligtaan ang araw na kung saan ginawa ng Dios ang pinakamagandang binibini sa lahat," Ani Don Xavier.

"Aba'y nagiging mabulaklakin na ang iyong salita, mi amor." Tugon pa ni Doña Araceli sa esposo.

Napatawa lamang si Don Xavier at umiling. Ngumiti na lang din si Doña Araceli at hinaplos ang kamay ng esposo.

KASALUKUYAN na pinatipon ng mga prayle ang lahat ng eruditus sa labas ng paaralan.

Nakalinya lahat ang mga kalalakihan at nagtataka kung bakit sila pinalabas.

Pumunta sa gitna si Prayle Orlando at nababakas nito ang kalungkutan sapagkat sila ay lilisan na.

Naroroon si Marco na seryoso lamang na nakatingin sa nakahelerang prayle sa gilid ng entablado.

"¡Buenos dias! Ako'y nagpapasalamat at naging bahagi kami sa institución na ito. Gayunpaman, sa naging disesyon ng gobernador-heneral at gobernadorcillo, lahat ng mga prayleng heswita ay papalitan ng mga prayleng dominicano." Saad ni Prayle Orlando, napatingin siya sa mga katulong na nakakitaan ng pagkadismaya.

"Likas na mapanakit ang mga prayleng dominicano!" Litanya pa ng isang katulong na lalaki sa likuran.

Narinig ni Adrian ang litanya ng lalaki. "Mapanakit ang mga prayleng dominicano? Bakit mo po nababatid?" Tanong pa niya rito.

Napahinga muna nang malalim ang lalaki bago magsalita, "Hindi mo po ba nauulingan na si Prayle Achilles ay isang dominicano? Mapang-abuso ang prayleng iyon! Nakahinga kami nang maluwag nang mamatay siya. Pero, ngayon ay napupuno na kami ng pagkadismaya. Samakatuwid, kami'y maghahanap ng ibang mapagkukunan ng salapi. Kami rin ay lilisan,"

Napaisip nang malalim si Adrian sa sinabi nito. Maaring ang mga dominicanong prayle ay nagdadala ng kakaibang nilalang sa kanilang katauhan.

Samantala si Andrus naman ay seryosong nakatayo lamang at nagmamasid sa paligid pero kanina pa siya ginagambala ng boses sa kaniyang isipan.

Andrus! Hindi pwedeng maunahan ka! Isa sa mga prayle ang tuso at nagdadala ng bangis sa katauhan!

"Tumahimik ka, Joaquin! Alam ko ang aking ginagawa," Pabulong na tugon ni Andrus sa boses sa kaniyang isipan.

"Amigo!"

Bahagyang nagulat si Andrus sa lalaking tumapik sa kaniya mula sa likuran.

"Marco? Nasa likuran pala kita,"

Napangisi si Marco at napatango, "Wari ko'y ikaw ay may binubulong sa sarili, may problema ba?"

Napakagat ng labi si Andrus at napailing sabay ngiti ng marahan. "W-wala, ako'y nagtataka lamang kung bakit parang biglaan ang pagpalit ng mga kurang dominicano sa mga kurang heswita," Saad pa niya na may halong pangangamba.

Tinapik ulit ni Marco ang balikat ni Andrus. "Iniimbitahan kita sa kaarawan ng aking ina, huwag kanang mangamba, bagkus ay uminom na lang tayo ng mga serbesa mamaya, pamatid uhaw!"

Biglang umaliwalas ang mukha ni Andrus at wala sa sariling napatango, makikita na naman niya si Dolorosa.

Pagkatapos ay nakinig sila ulit kay Prayle Orlando.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now