Aún No Es El Final

42 4 24
                                    

1902
---

HALOS isang buwan na nagmukmok si Marco sa mansyon na ipinamana na sa kaniya ng mga magulang.

Halos hindi siya makakain nang maayos dahil na rin sa natanggap na liham.

Wala na ang kanilang ama. Hindi niya magawang bumisita sa puntod nito sa Hongkong. Masama ang kaniyang kalooban sapagkat huli na ang lahat nang matanggap ang liham. Hindi na niya mahawakan sa huling pagkakataon ang ama.

Nakakailang bote na siya ng serbesa. Hindi niya nga rin alam kung ano pa ang gagawin sa buhay. Minsan naisip niyang magpakamatay ngunit walang silbi dahil isa na pala siyang immortal. Hindi tatanda at hindi matatablan ng anumang nakakamatay na sakit. Minsan ay uminom siya ng lason pero sa huli ay walang nangyari.

Naihagis niya bigla ang bote sa pader. Minsan ay iniisip niya kung ilang tao na ba ang pinatay niya kapag nagawi sa kaniyang teritoryo. Pinapatay niya ito dahil nababagot na siya.

Mayamaya pa ay nakarinig siya nang marahas na mga pagkatok sa malaking pintuan. Napaayos siya ng kaniyang kwelyo bago bumaba ng hagdan.

"Lumabas ka riyan!"

"Isa kang sinumpang nilalang na dapat paslangin!"

"Wala ng saysay ang iyong buhay!"

Ang bawat sigaw ay parang isang napakalakas na batingaw iyon sa kaniyang tainga. Napahinga siya nang malalim bago binuksan ang malaking pintuan.

Nang mabuksan ay kitang-kita niya ang babaeng may dahilan kung bakit siya naging isang hibrido.

"Siya ang may pakana sa hindi matapos-tapos na kaguluhan sa bayan ng San Fernando!" Pag-aaklas pa ni Emilia na nangunguna sa eksena. Bakas sa kaniyang kalahating mukha ang peklat dahil sa pagkasunog at nakasuot lamang siya ng isang ordinaryong baro at saya.

"Hulihin natin siya!"

Hinayaan na lamang ni Marco ang sarili na siya'y gapusin gamit ang kadena.

Pinagtutulak siya na halos mahalikan na niya ang lupa. Bigla bigla na lamang siyang napapaigik dahil sa pagkakasipa at pagkakahampas sa kaniya at ang pagyurak ng mga laway na nanggaling sa mga taong may galit sa puso.

Sa sobrang hina niya ay hindi na namalayan na nakahiga na siya sa isang kabaong na gawa sa bakal. Kahit na dumodoble na ang kaniyang paningin ay naaaninag niya si Emilia na nakangisi.

"Matulog ka nang mahimbing, Marco" Nakakalokong saad ni Emilia bago isinara ang kabaong.

Nang maisara ang kabaong ay agad na ginamitan ng malalaking kadena ang katawan ng kabaong at nilagyan ng kandado.

Kitang-kita nila ang pagyugyog ng kabaong na marahil ay nagpupumiglas na si Marco sa loob.

"Ilibing niyo na, por favor" Ani Emilia bago tumalikod.

Agad naman na sumunod ang mga kalalakihan. Sila ay may kagalakan dahil sa wakas ay matitigil na ang lagim sa bayan ng San Fernando.

Tumigil na rin si Marco sa pagpupumiglas at unti-unting ipinikit ang mata. Sa huling pagkakataon ay napangiti siya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na siya nang lubusan.

----

Via DolorosaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin