Kapitulo - XXI

56 6 59
                                    

"SIGURADO ka na ba rito, binibini? P-pwede naman na ipagpapabukas natin ito," Saad ni Liyong sa dalaga.

Samantala, si Dolor naman ay nagbabakasakali na mapansin siya ng matandang patpatin na nagbabantay sa pintuang daan ng monasteryo, "Basta't tingnan mo lang ako. Gusto kong pumasok bilang serbedora ng monasteryo,"

"Dios mio, ang apo ng mayamang pamilya sa San Fernando ay maninilbihan bilang isang serbedora?" Hindi makapaniwalang saad ni Liyong kay Dolorosa.

"Kanina ka pa sabat nang sabat ha? Gusto mo bang ipagkukuha kita ng tabako upang may hithitin ka para matahimik ka?" Inis na turan ni Dolorosa sa binata.

Napangisi ang binata, "Bakit? Hindi ako humihithit ng tabako,"

"Dahil kapre ka," Pabirong saad ni Dolorosa.

Tumawa na lamang si Liyong at napailing. Mayamaya pa ay biglang may lumapit na uwak sa gawi ni Dolorosa, may papel ito sa tuka.

Agad na kinuha ng dalaga ang papel at binasa ang nakasulat dito.

Hinahanap ka na ni lola. Panay na ang pagtatakip ko sa'yo rito. Nawa'y hindi magtagal at makauwi ka na.

-Wari

Naitiklop ni Dolorosa ang papel at isinilid ito sa bulsa, "Dapat na makausap ko na ang matanda," Agad siyang tumungo sa pintuang daan at kinawayan ang matanda. Agad naman itong lumapit sa kaniya.

"Ano ang inyong nais, binibini?" Tanong ng matandang patpatin.

"Pwede ho ba pumasok bilang katulong ng monasteryo?" Tanong ni Dolorosa, napansin naman niya na napatingin ang matanda kay Liyong.

"A-ako rin, gusto kong manilbihan sa monasteryo" Ani Liyong at napangiti ito sa matanda.

"Pasensya na, ginoo at binibini ngunit hindi na tumatanggap ng tagasilbi ang mga prayle rito sa monasteryo" Ani matanda at akmang tatalikod na sana.

"Tay! Sige na naman po, o?" Pakiusap pa ni Dolorosa.

"Papasukin mo sila,"

Napatingin ang tatlo sa nagmamay-ari ng boses--- si Prayle Castillo.

Walang nagawa ang matanda kundi buksan ang pintuang bakal.

Nagkatinginan pa si Dolorosa at Liyong bago pumasok.

NANG makapasok ang dalawa sa monasteryo ay dinala sila ni Prayle Castillo sa isang silid na kung saan pinupuntahan ng mga Arsobispo at Diyakuno kapag may pagpupulong.

"Bueno, nais kong malaman ang ngalan ninyong dalawa. Lalo na sa iyo, binibini" Ani Prayle Castillo at napangiti ito. Sa kaniyang isipan ay parang nakita na niya ang dalaga dati pa.

"A-ako po si Leopoldo Sevilla, at siya ang aking kapatid na si Via Sevilla." Wika ni Liyong, kumindat siya kay Dolorosa para sabayan ang kaniyang sinabi.

Bahagyang napataas ang kilay ng prayle, "Bakit tila hindi kayo magkawangis?"

"Ah, kagalang-galang na kura, kami'y magkapatid sa ina. Ang apeliyido ho ng kaniyang ama ang gamit ko dahil hindi ko po kilala ang aking tunay na ama," Paliwanag pa ni Dolorosa.

Via DolorosaWhere stories live. Discover now