26

123K 3.9K 3.6K
                                    


"Academic cheating? Fuck, I would never do that!" 

Sumigaw ulit ako sa unan at pinaghahampas iyon sa sofa pagkauwi ko. I just had a talk with my research prof kasama ang groupmates ko regarding the plagiarism matter. The only thing I could do was save myself, but the professor said we shouldn't explain to her but wait for the hearing instead. 

They said they will notify our guardians or parents too. Napaisip ako kung nakatanggap na ba ng email sina Mommy. Napaluhod ako sa sahig at sinabunutan ang sarili ko, wanting so bad to scream. Kinuyom ko ulit ang kamao ko. My fingers hurt. They started bleeding again. 

Ang daming galit sa puso ko na kailangan kong ilabas pero hindi ko alam kung papaano. My parents will get disappointed. Sino ang hindi? Their child was summoned by the disciplinary committee. Kahit hindi ako ang may kasalanan, damay pa rin ako. 

Ang bilis din kumalat ng balita. Alam na sa program namin na may mga napatawag for plagiarism or academic cheating, at alam ng iba na kasama ako roon. Earlier, I heard whispers while walking to the office. 

Hindi naman pala matalino. Magaling lang mag-cheat. 

Akala ko matino si Estella. Hangang-hanga pa ako sa kanya.

Bakit kasi siya nagpahuli? Ang tanga niya naman.

Suddenly, my academic intelligence was being questioned. All my achievements were being questioned. Lahat ng narating ko, nawala na parang bula. Kahit wala pa 'yong hearing, nahatulan na ako ng mga tao. 

Did Yori hear about it too? Ano kaya ang reaksyon niya? Maniniwala ba siya sa kanila? Will he get disappointed too? Hindi niya pa rin ako kinakausap. Hindi ko alam kung nakauwi na siya sa Pilipinas. Ilang araw na rin siyang walang stream. Hindi ko alam kung kumusta na siya... kung ano'ng ginagawa niya.

Thinking about the people who I disappointed made me crazy. Napapikit ako habang umiiyak nang tahimik. Gusto ko na lang magkulong sa kwarto. Ayaw ko nang lumabas. Ayaw ko nang marinig ang sinasabi ng mga tao sa akin. Lahat ng napatunayan ko... Wala na. 

Nakapatay ang phone ko. Naka-block na rin sa akin lahat ng groupmates ko. Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko sa kanila. Mga kaibigan ko sila... pero bakit nila hinayaang mangyari 'to? Lahat kami ay pabagsak ngayon. Sila ang dahilan kung bakit nangyayari 'to sa akin. 

I was better off alone all along. Kung sana... una pa lang, hindi na ako pumayag na ka-group sila... sana hindi mangyayari 'to. Who should I even blame for this? May kasalanan ba ako rito? 

Academic integrity, huh... I never thought the day would come when people would question my academic integrity. 

"Bakit ako mangdadaya? Hindi ko kailangan noon! Bullshit!" Sinuntok ko ulit 'yong unan. "Ugh! Fucking hell! Tangina n'yo!" 

I couldn't even sleep kahit maaga ang hearing kinabukasan. Our parents were needed there as witness. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kina Mommy. I had a counsel with me. Kailangan ay from the university kaya iyong instructor ko na lang sa debate. 

Hindi kami pinapasok as a group. We had to sit there individually. It felt like I was being prosecuted. Naroon ang disciplinary board, at nakaupo ako sa harapan nila. Katabi ko ang counsel ko... at kasama sa table sa harapan ko ay sina Mommy at Daddy. I couldn't look at them.

I had my head bowed down. Magkadikit ang tuhod ko at nakahawak roon ang dalawa kong kamay. Nakatingin lang ako sa sa baba. I was so embarrassed. Being in this situation was too humiliating for me. 

"I didn't do it..." mahinang sabi ko. 

"You can present your case," sabi ng head ng disciplinary board. "And then we will decide." 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu