32

170K 4.8K 6.2K
                                    


"Ayoko na, Kye... Ayoko na. Ang sakit na." 

Iyak pa rin ako nang iyak sa dibdib ni Kye habang yakap-yakap niya ako gamit ang isa niyang kamay. Ang isa ay nakahawak sa payong para hindi kami mabasa ng ulan. He just let me cry on his chest, tapping my shoulder. 

"Kasalanan ko naman, eh. Alam ko 'yon... pero masakit pa rin." Mas lalo akong umiyak. "Hindi ko alam kung paano ako babangon..."

I could fix everything in my life... except this. I went to therapy to fix my attitude towards grades. I started practicing communicating more. I became closer to my family and friends. I had been trying to focus on my journalism career. I was trying to fix everything that was wrong with me. I was trying to fix everything that went wrong.

But not with Yori. I couldn't fix anything with him. Not anymore. A part of me wanted to tell me what I felt... but I did not want to sound pathetic in front of the man who already moved on. Mas okay nang isipin niyang pareho na kaming nakaahon mula sa pinagdaanan namin. Mas okay nang isipin niyang masaya ako ngayon, kahit hindi... kasi wala na siya sa buhay ko. 

I couldn't blame him. Loving me was tiring. It was exhausting. I did not treat him well. Masaya akong hindi na siya nasasaktan... pero masakit kasi hindi na niya ako mahal. I was conflicted between being happy for him and being hurt for myself. Wala naman akong sinisisi kung hindi ang sarili ko. It was all my fault... and the regrets won't go away. I chose to hurt the man who loved me the most. The man I prayed for. The man who, at some point, was willing to do everything for me... and now he wanted nothing to do with me anymore. 

"I'm sorry... kung nakikita mo 'kong ganito." Sinubukan kong punasan ang mga luha ko pero tuloy-tuloy lang silang tumulo. 

"Estella?" 

Natigilan ako at agad lumingon sa gilid ko nang makita si Yori na may dalang payong. He looked like he ran after me when he realized that it was raining and I didn't have an umbrella. Napatingin siya kay Kye at bumati rito. Agad akong umiwas ng tingin, ayaw ipakita sa kanyang umiiyak ako. Mabuti na lang at umuulan. 

"Oh... I thought you were walking home," sabi ni Yori. "You left your wallet." Lumapit siya sa amin at sumilong sa may waiting shed. Lumingon ako sa kanya at kinuha ang wallet ko.

"Thank you," mahinang sabi ko. Pinunasan ko ang luha ko habang nakayuko. 

Natahimik si Yori. Ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin. Umiwas kaagad ako sa kanya at hinawakan na ang braso ni Kye para ayain siyang umalis. 

"Estella... Are you okay?" 

Tumigil ako sa paglalakad. Lumingon din si Kye sa amin at hindi nagsalita. Hindi ako makatingin kay Yori dahil makikita niyang umiyak ako. Namamaga na siguro ang mga mata ko at namumula na ang ilong ko. 

"Oo naman! I'm okay!" I tried to sound happy and energetic. "Ingat ka pauwi."

Pagkatapos noon ay tumalikod na ako at sumakay na sa kotse. Nagpaalam pa si Kye kay Yori bago siya umikot sa driver's seat. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang paalis kami. Pinupunasan ko pa rin ang luhang tumutulo sa mga mata ko kahit ayaw naman nilang tumigil. Nakatulog na ako habang pauwi, pagod na pagod ang mga mata. 

Pagkagising ko ay nasa kwarto na ako. Binuhat siguro ako ni Kye dahil ayaw niya akong gisingin. Madaling-araw na 'yon kaya tumayo ako para maligo. Bumaba rin ako sa kusina para uminom ng tubig at kumuha ng yelo para sa mga mata ko. 

"Oh, gising ka pa?" Nagulat ako nang makita si Mommy pumasok ng kusina. Kukuha rin siya ng tubig at mukhang hindi pa natutulog kakatrabaho. "Huy..." Nagulat siya nang makita ang hitsura ko.

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon