34

218K 7.2K 13.8K
                                    


"Napakalakas na ho ng hangin at ulan dahil sa papalapit na bagyo. Wala nang tao rito sa kinatatayuan ko dahil lumikas na ang mga residente. Lahat ay nag-aalala at naghahanda dahil sa posibleng pinsala na maidudulot ng malakas na hangin at baha..."

Basang-basa na ako at halos tinatangay na ako ng hangin habang sinusubukang mag-report sa lugar malapit sa tabing-dagat, kung saan tatama ang malakas na bagyo. Hindi ko alam kung ilang oras pa bago maputol ang koneksyon namin kaya binilisan ko na. 

"Simula umaga ay wala nang kuryente rito. Makikita n'yo ring lumalakas na ang hangin at halos wala na nang makita dahil sa ulan..." 

I tried to report everything I could. Sinubukan ko pang maglakad para mapakita ang kalagayan ng bayan pero pinagbawalan na ako ng team at sinenyasan na akong mag-outro. 

Binilisan ko na ang pagre-report ko. "Estella Martinez, nagbabalita," sabi ko bago pa maputol ang koneskyon.

Pinapasok na ako ng news team sa tinutuluyan namin at agad nila akong binigyan ng towel. Basang-basa ako at nanginginig na sa lamig. We got stranded there in the province for a few days. Noong humupa na ang bagyo ay nag-abot naman kami ng tulong at nag-asikaso ng mga lumikas na residente kaya ilang araw ulit akong hindi nakaalis doon. 

Putik-putik na ang damit ko at ang botang suot ko habang naglalakad kami papunta sa kabilang bayan para mag-abot din ng tulong. It was my life as a field reporter. Kung saan-saang lugar na ako napadpad, at iilan na ring sakuna ang naranasan ko sa trabaho ko. Ilang komunidad na ang nabisita ko at ilang tao na rin ang naabutan namin ng tulong. 

Limang taon na akong nagtatrabaho bilang reporter. It was hard but also fulfilling. I got to experience a lot of things. Namulat din ang mga mata ko sa maraming bagay. I got to know a lot of people's experiences, which made me change my perspective about life. Ang dami kong natututunan sa mga taong nakakausap ko. 

Pride? Ego? Hindi na mahalaga sa akin 'yon. Kung kailangan kong gapangin para makarating sa destinasyon namin, kaya ko. The people were more important to me. Hindi na nakasentro sa sarili ko ang isipan ko. 

"Nay... Kumain po muna kayo. Ako na po diyan." Inabutan ko ng pagkain si Nanay Jema habang kalong-kalong niya ang apo niya. Bata pa 'yon. Kinuha ko muna mula sa kanya ang bata at binuhat para patulugin. 

Hindi ako nakatulog nang maayos sa buong stay namin sa probinsya dahil nga mas pinipili kong asikasuhin ang mga tao. Sunod-sunod din ang deliveries ng mga ayuda kaya tumutulong din akong maghatid. Kaya naman nang makabalik kami sa Manila ay bumawi ako ng tulog. 

Pero kinailangan ko ring bumalik sa trabaho noong Lunes. Linggo lang ako nagpahinga. Gumising ako nang maaga at nagtimpla ng kape. Hindi ako mahilig sa kape, pero simula noong nagtrabaho na ako, mahilig na akong uminom ng coffee. Nag-toast na rin ako ng bread dahil iyon lang naman ang breakfast ko. Male-late na ako sa trabaho. 

Nagsuot ako ng button-down shirt na naka-tuck in sa slacks ko. Pagkatapos ay nagmadali na akong pumasok sa MBC. Metrowave Broadcasting Corporation. Doon ako nagtatrabaho. It was one of the leading multinational broadcasting corporations worldwide. I was so lucky to land a job here. My dream! 

I tapped my ID before going inside the headquarters of MBC Philippines. Binati ko ang mga nakakasalubong ko bago pumasok sa elevator. Nang makarating sa 27th floor ay dumeretso kaagad ako sa office ng boss namin. 

We were assigned tasks for that day. Kasama ko si Kobs bilang partner ko at sabay kaming nagpuntang police station para sa iko-cover namin. There was always something new happening each day, kaya never akong na-bore sa trabaho ko. 

"Lalabas kayo ni Clain mamaya?" tanong ni Kobs habang nasa van kami. 

"Hindi ko pa alam." Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may text 'yong lalaking 'yon. 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon