Episode 1 - The Invitation

110 7 20
                                    

◼️◾▪️◼️◾▪️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◼️◾▪️◼️◾▪️

EPISODE 1
THE INVITATION

▪️◾◼️▪️◾◼️

Tuloy-tuloy sa pagtakbo ang isang dalaga sa malawak na talahiban habang hinahabol ng isang taong nakasuot ng maskarang hugis-lobo at itim na damit. Hindi niya inalintana ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo. Ang tanging nasa isip niya ay kailangan niyang matakasan ’yong humahabol sa kaniya.

Subalit sa kasamaang-palad, bigla na lang siyang natisod ’tapos tuluyang sinalo ng malalagong halaman ang kaniyang katawan. Wala siyang sinayang na oras at agad din siyang gumapang papunta sa puwestong hindi sakop ng liwanag na nanggagaling sa buwan.

Habang hingal na hingal, umayos siya ng upo at saka niyakap ang kaniyang mga tuhod. Pagkatapos, agad siyang naghagis ng isang kamay patungo sa kaniyang bibig nang may maulinigan siyang kaluskos sa di-kalayuan. Papalapit na ’yong taong humahabol sa kaniya.

Maya-maya pa, naglaho ang tunog ng mga yabag nito. Namayani sa buong lugar ang nakabibinging katahimikan. Napalingon ang dalaga sa kaliwa’t kanan, nanatiling alerto sa nagbabadyang panganib, ngunit wala siyang namataan. ’Buti naman at tinantanan na niya ’ko, isip-isip niya, ’tsaka siya bumuntonghininga.

Pagkaraan ng ilang minuto, umihip ang malamig na hangin, dahilan upang maalarma ang dalaga. Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla na lang umalagwa ang taong nakasuot ng maskara mula sa halamanan at lumukso patungo sa harapan niya.

Napahawak siya dibdib niya saka nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. “T-tulong! Tulungan n’yo ’ko! M-may gustong pumatay sa ’kin!” iyak niya nang paulit-ulit. Subalit walang silbi ang paghingi niya ng saklolo dahil wala namang tao sa lugar na ’yon, maliban sa kanilang dalawa.

Itinaas n’ong taong naka-maskara ang hawak nitong kutsilyo, at wala na siyang ibang nagawa kundi sumigaw habang unti-unting lumalapit ang talim ng kutsilyo sa kaniyang dibdib.

Dagling iminulat ni Hemeni ang mga mata niya, pero nanatili siyang nakaub-ob sa mesa. Nakahinga siya nang maluwag nang mapagtantong hindi ’yon totoo. Panaginip lang pala.

“Girl, gising! May bagyo!”

Heto na naman si Nayomi na parang pinaglihi sa pterodactyl ang boses, reklamo ni Hemeni sa isip niya.

“Girl, may sunog!”

Hindi siya nag-angat ng tingin. Maya-maya pa, naglakbay sa paligid ng magkabila niyang tainga ang buntonghininga nito.

“Girl, gising na kasi! Parating na rito sa puwesto natin si Fallon Lerios!”

Doon ay tuluyan na siyang tumunghay saka dagling hinanap ng mga mata niya sa buong canteen ang tinutukoy ni Nayomi. Napatiim-bagang siya. Ang sigaw ng utak niya, Wala naman akong nakita ni anino ni Fallon, eh!

Werewolf GameWhere stories live. Discover now