Episode 6 - Vote for Me

38 3 0
                                    

◼️◾▪️◼️◾▪️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◼️◾▪️◼️◾▪️

EPISODE 6
VOTE FOR ME

▪️◾◼️▪️◾◼️

Inookupahan ng isang dalaga ang isa sa mga kuwarto sa ikatlong palapag ng kabilang mansyon. Tumatak sa isip niya ang sinabi noon ni Millie na mas makabubuti kung magkukubli sa loob ng silid at isarado ang pinto upang hindi makapapasok ang mga Werewolf.

Subalit nagulantang siya nang walang ano-ano’y dumagundong ang malakas na kalabog sa pinto. Oh my gosh! sigaw ng utak niya. Mariin siyang napalunok ng laway, at agad na nagwala ang kaniyang puso. No, no. Not me. I want to be an idol pa. Umungot siya ng madaliang panalangin.

“Mone? Alam kong nandiyan ka sa loob. Nakita ko kanina kung saan ka pumasok,” pakantang sabi n’ong Werewolf. Nasundan iyon ng nakapanghihilakbot na halakhak, dahilan upang mabuhay ang mga balahibo sa braso ng dalaga.

Napaatras si Mone at dali-dali niyang iginala ang mga mata sa apat na sulok ng silid, naghahanap ng bagay na maaaring panlaban sa Werewolf kung sakaling makapasok ito. Nang may mamataang malaking gunting sa ibabaw ng mesa, agad niya itong dinukot at hinawakan nang mahigpit.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na pinutol ng dalaga ang distansya ng kinatatayuan niya kanina at ng bintana. Binuksan niya ito saka dumungaw siya sa ibaba. Tila kinahaharap niya ngayon ang pinakamahirap na suliranin: Kung lulukso ba siya na parang isang luku-luko? O manatali sa puwesto niya at harapin ang mamamatay-tao na nakasuot ng itim na baro?

Kapagkuwa’y napailing ang dalaga. Masyadong mataas ang kinalulugaran niya. Kung tatalon siya sa ibaba, baka mapilayan lang siya.

Hanggang sa natigil ang pagkalampag sa pinto. Kahit papaano’y nakahinga siya nang maluwag. Sumagi sa isip niya na baka sumuko na ang Werewolf at naghanap ng panibagong target.

Agad niyang sinarado ang bintana at tinakpan ng kurtina. Nagtungo siya sa kamang may kalumaan na sapagkat lumangitngit ito nang pumatong siya. Humiga siya at nagtalukbong ng kumot. Kasalukuyan pa rin niyang dala-dala ang malaking gunting; nanginginig man ang kamay subalit mahigpit ang pagkakahawak niya roon.

Di-kaginsa-ginsa, dumaan sa paligid ng tainga niya ang malakas na ingay sa may pintuan—parang may dinistrungka. ’Tapos, bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang taong nakasuot ng hugis-lobong maskara at may bitbit na palakol.

Rumehistro sa pandinig ni Mone ang mga yabag na papalapit sa kinahihigaan niya. Muling naghuhuramentado ang puso niya. Hinanda niya ang sarili sa nagbabadyang panganib. Habang natatakpan ng kumot ang buo niyang katawan, iniangat niya nang kaunti ang hawak niyang malaking gunting. Nakasalalay sa bagay na iyon ang kaniyang buhay. Hangga’t maaari, hindi iyon puwedeng mawala o mabitiwan.

Maya-maya pa, naramdaman niya ang pag-uga ng kama. ’Tapos, biglang pumaibabaw sa balingkinitan niyang katawan ang Werewolf at saka siya nito sinakal. Nagpupumiglas si Mone, ngunit sa kasamaang-palad, mas malakas ang puwersa ng Werewolf. Inalis nito ang kumot na nakabalot sa kaniya, dahilan upang makita nito ang mukha ni Mone na namumula na at may namumuong luha sa mga mata.

Werewolf GameWhere stories live. Discover now