Episode 3 - Pack of Werewolves

49 3 0
                                    

A/N: Super late update kasi ngayon pa nakahanap ng signal dito sa Badian, huhu. Anyway, happy new year!

 Anyway, happy new year!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◼️◾▪️◼️◾▪️

EPISODE 3
PACK OF WEREWOLVES

▪️◾◼️▪️◾◼️

“Attention, all players. The nighttime attack will commence in 10 minutes. Let me repeat. The nighttime attack will commence in 10 minutes.”

Kasunod niyon ang pagbabago ng ilaw sa mga poste sa di-kalayuan at pati na rin ang mga ilaw sa dalawang mansyon—naging kulay berde ang buong paligid.

Dahil sa nangyari kay Yoji, gumapang ang pinagsamang kaba at pangamba sa kanilang katawan. Nang marinig nila ang anunsyo ng Narrator, walang kagatol-gatol na tumakbo ang natitirang labingsiyam na estudyante at saka grupo-grupong nagtago. Takot silang lumabag sa mga patakaran kaya napilitan silang sumunod sa panuto ng Narrator.

“The Protector gives a wolfsbane to Chawee Ordillano. That means Chawee Ordillano is safe tonight.”

Kaagad na tsinek ni Chawee ang kaniyang votepad. Biglang bumukas ang isang kahon saka may lumabas na larawan ng wolfsbane (kulay-ubeng bulaklak na pinaniniwalaang nagtataboy sa mga taong lobo). Biglang napalamutian ng kumpeti ang buong screen. ’Tapos, may natanggap siyang mensahe:

Chawee Ordillano, you just received a wolfsbane. The Protector has chosen to keep you safe tonight.

Congratulations!

“Hala! Sana all, uy, safe,” bulong ni Apol matapos sumilip sa votepad ng kaibigan.

“Pero ngayon lang ’yan. Pwedeng-pwede ka nang maging target bukas, ’di ba? Kaya, good luck,” pananakot pa ni Luwi, gamit ang mahinang tinig.

Kasalukuyan silang nagtatago sa ilalim ng lababo, manaka-nakang napatakip ng ilong. Nagsisisi sila kung bakit iyon ang napili nilang pagtaguan.

Maya-maya pa, biglang tumabi sa kanila si Sorra na ikinagulat nilang lahat. Sa lahat, ang kaklase nilang may puting buhok ang nasa huli sa listahan na sasama sa kanila.

“Buwisit! Ang goal natin ay maka-survive ngayong gabi. Hindi natin alam kung sino sa atin ang Werewolf. Kung magsama-sama tayo, mas delikado,” untag pa ni Sorra. ’Tapos, patakbo niyang nilisan ang ilalim ng lababo para maghanap ulit ng panibagong pagtataguan.

“N-natatakot ako,” nanginginig na sabi ni Apol, ’tsaka niya kinagat ang sariling kuko. “Akala ko, si Sorra na ang Werewolf.”

“Feeling ko, hindi,” si Chawee matapos hawakan ang isang kamay ni Apol. “Umalis nga siya, eh. Wala rin siyang tiwala sa atin.”

Si Luwi na kanina pa nag-iisip, bigla na lang nagsalita: “Alam na alam ko ang larong ’to. Kadalasan sa mga pumapatay ay tahimik lang sa umpisa at gusto parating mapag-isa. Sa tingin ko, umaarte lang siya. Pa’no kung . . . isa talaga si Sorra sa mga Werewolf? ’Tapos, kaya siya umalis agad ay para ipaalam sa mga kasama niya kung saan tayo nagtatago?”

Werewolf GameWhere stories live. Discover now