Episode 7 - Deduction

30 3 0
                                    

◼️◾▪️◼️◾▪️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◼️◾▪️◼️◾▪️

EPISODE 7
DEDUCTION

▪️◾◼️▪️◾◼️

Nagpulong sila sa sala matapos nilang kumain. Kanina sa lamesa, kaunti lang ang kinain ng iba, ang ilan naman ay hindi ginalaw ang nakahandang pagkain, at mayroon ding tulala lang at malalim ang iniisip. Sino-sino ang mga Werewolf? Sino ang nagdala sa kanila sa lugar na iyon? Ano ang kasalanan nila sa taong iyon? Bakit sila inisa-isa? Ilan lang iyon sa mga tumatakbo sa kanilang isipan.

“Attention, all players. Voting is now open! Mayroon lang kayong dalawang oras para mag-debate at iboto kung sino sa tingin n’yo ang Werewolf. You must cast your votes within the time limit. Choose wisely!”

“Ako lang ba ang naiirita sa pa-‘choose wisely’ niya?” sabi ni Nayomi habang nakakubli ang mga kamay sa magkabilang kilikili.

“Guys, walang magsasalita. Ako muna,” maawtoridad na untag ni Darin sabay tayo. Nagtungo siya sa harapan habang hindi inaalis ang tingin ng mga kaklase niya sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hininga. ’Tapos, iniangat niya nang bahagya ang kaniyang votepad matapos niya iyong pindutin. “Please vote for me . . .”

Darin Domondon voted for Darin Domondon.

Bumaling silang lahat sa malaking telebisyon nang umangat ang litrato ng kanilang president sa unang puwesto na ikinalaglag ng kanilang panga.

Agad namang naghagis si Millie ng isang kamay patungo sa kaniyang bibig.

“Prez, hindi . . .” pagbasag ni Fallon sa katahimikan, may namumuong luha sa mga mata niya. Kilala niya si Darin, kapag nakapagdesisyon na ito, hindi na ito mababago. Pero gusto niya pa ring subukan. “Please, don’t do this. Wala kang kasalanan. Stop blaming yourself and calm down!”

Nang makaipon ng lakas ng loob, agad na tumindig si Ohm, na pumukaw sa atensyon ng lahat. “Prez, ’wag”—bahagyang nabasag ang boses niya—“’wag mong gawin ’to, pakiusap. A-alam kong hindi ka Werewolf. H-hindi ikaw ang pumapatay. Please, ’wag mong isakripisyo ang sarili mo. ’Wag mong isugal ang buhay mo.” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at pinisil. Sa pagkakataong iyon, tuluyang tumulo ang mga luha ni Ohm. “’Di ba sabi ko sa ’yo na sabay tayong lalabas dito?”

“Listen, everyone. Nakarating sa ’kin ang imbestigasyon ng Inspector. Nabalitaan niya mismo kina Fahren, Humes, at Purim na na-encounter nila ang isa sa mga Werewolf kagabi. Fortunately, the Werewolf did not attack them. Kaya, naisip ng Inspector ang dalawang posibilidad: Una, pumipili ng target ang tatlong natitirang Werewolves sa pamamagitan ng pagboto at dapat nilang sundin ’yon; at pangalawa, babae ang isang Werewolf kaya babae rin ang napili niyang patayin kagabi. Malakas ang kutob ng Inspector na babae ang pumatay kay Mone,” imporma ng Narrator.

Dumaan ang ilang sandali, napatigalgal sila. Parang nabanat ang oras habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng Narrator.

“At ang deduction ng Inspector ay . . . tama!”

Werewolf GameWhere stories live. Discover now