Episode 2 - Official Players

64 3 8
                                    

◼️◾▪️◼️◾▪️

EPISODE 2
OFFICIAL PLAYERS

▪️◾◼️▪️◾◼️

Isa-isa silang nagising sa hindi pamilyar na lugar—mansyong napapalibutan ng kagubatan. Alas-siyete na ng gabi kaya madilim na sa labas. Ginising nila ang iba pang natutulog na kasamahan. ’Tapos, naghiwa-hiwalay sila upang suriin ang kanilang kinalulugaran.

Dumiretso sa balkonahe ang grupo nina Fallon, Darin, Ohm, Nayomi, at Hemeni.

“Nasa’n tayo?” tanong ni Hemeni.

Nagkibit-balikat si Fallon. “I don’t have a clue either. Ang alam ko lang, may k-um-idnap sa ’tin at dinala tayo sa lugar na ’to. And Sorra was right. Parang gusto nga nila tayong paglaruan.”

Pinutol ni Nayomi ang distansya sa pagitan nila ng kaibigan niya. “Girl, sorry. Nadamay ka pa. Dapat hindi na lang kita kinulit na sumama. Dapat hindi ko na lang ginamit ang pangalan ni—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang takpan ni Hemeni ang kaniyang bibig.

“Tama ka na, Nayomi! ’Wag kang maingay. ’Di naman kita sinisisi,” anas ni Hemeni, may diin, may ngitngit.

Itinaas na lang ni Nayomi ang kaniyang hintuturo at hinlalato at saka ibinalandra ang mapuputing ngipin.

“A-ayos ka lang, Prez? W-wala naman bang masakit sa ’yo?” usisa ni Ohm kay Darin.

Matamis na ngumiti ang president nila. “Yes. I’m fine, Ohm. Kaya lang, kinakabahan ako sa kung ano’ng puwedeng mangyari sa ’tin. Hindi natin alam kung sino ang nagdala sa ’tin dito.”

Habang ang magkasintahang sina Davis at Emery ay nagtungo sa kusina para uminom ng tubig, nasa sala naman sina Raheel, Wugene, Millie, Humes, at Purim na prenteng nakaupo sa malambot na sofa, kapuwa walang-kamukta-mukta sa mga nangyayari.

“We need to get out of here as soon as possible,” basag ni Humes sa katahimikan sa pagitan nilang lima.

Habang sumang-ayon si Wugene, “T-tama si Humes. Nakatatakot na rito. Ayaw kong mangyari ulit sa atin ’yong nangyari kanina. A-akala ko, mamamatay na tayong lahat,” sumalungat naman agad si Purim, “Pero gabi na. Dumito muna tayo. Madilim na sa labas. Hindi natin alam kung ano’ng naghihintay sa atin sa gubat.”

Werewolf GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon