Episode 5 - Stay Alive

39 3 0
                                    

◼️◾▪️◼️◾▪️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◼️◾▪️◼️◾▪️

EPISODE 5
STAY ALIVE

▪️◾◼️▪️◾◼️

Fahren Salvacion voted for Darin Domondon.

Pagkatapos nilang mabasa iyon, kaagad na sumugod si Ohm kay Fahren para suntukin ito. Ngunit nakaiwas ang huli at tinadyakan pa nito sa tiyan si Ohm, dahilan upang matapon ang kaniyang salamin sa mata.

Samantalang si Fallon naman ay nagpupuyos sa galit. “Unbelievable,” bulong niya habang napailing-iling.

“Puwede bang tama na? Kanina ka pa, eh,” pakiusap ni Hemeni kay Fahren. At kay Ohm: “Ikaw rin, Ohm. Please, ’wag ka nang dumagdag.”

“Eh, hayop ’yan, eh! Binoto ba naman niya si Prez? Eh, wala namang ginawang masama si Prez. Alam ko sa sarili ko na hindi siya Werewolf. Hindi niya kayang pumatay ng tao—ng kaklase!” umiigting ang pangang protesta ni Ohm. Inilapat niya ang kaniyang hinlalaki sa kanto ng labi at bahagyang napangiwi nang makaramdam ng hapdi sa parteng iyon.

Halos hindi makapaniwala ang lahat sa inasta ni Ohm. Sa katunayan, iyon ang unang beses na nakita nila siyang nagkakaganoon. Para siyang bulkan na sa isang kisapmata ay tuluyang naging aktibo.

Ngumisi lang si Fahren, hindi natinag sa masamang tinging ipinupukol ng mga kasama. “Ahh. Naintindihan ko na ngayon. Kaya pala parati kang dumidikit kay Darin. Kaya pala overprotective ka sa kaniya.” Natawa ito bago magsaboy ng kuwestiyon: “Ohm, may gusto ka sa president natin, tama?”

Umurong ang dila ni Ohm pagkarinig niya sa tanong na iyon. Napalunok siya ng laway at nang maramdaman ang titig ng mga kasama, lumikot ang kaniyang mga mata.

“’Wag ka nang umasa, bata,” natatawang wika ni Fahren. “’Di ka papatulan ni—”

“This is not the right time to talk about that, Fahren,” putol ni Darin sa sinasabi nito. Pinipilit niyang maging kalmado kahit mayroon na siyang isang puntos, pero kaunti na lang at mukhang mapipigtal na ang pasensya niya. “Everyone, balik tayo sa botohan—”

Nagulat silang lahat nang tumunog ang kanilang votepad at nasaksihan nila sa telebisyon ang biglaang pag-angat ng isang litrato. Pumalit ito sa dating puwesto ni Darin at nakakuha agad ito ng tatlong puntos.

Luwi Abrias voted for Fahren Salvacion.

Chawee Ordillano voted for Fahren Salvacion.

Apol Estoya voted for Fahren Salvacion.

“Dilangina!” nanggagalaiting sigaw ni Fahren. Tuluyang tumaob ang lamesa; siya naman ngayon ang nanganganib. Pinatikim nila sa kaniya ang lasa ng sarili niyang medisina. “Ano sa tingin n’yo ang ginagawa n’yo?!”

Werewolf GameWhere stories live. Discover now