Episode 8 - Witch's Advocate

24 1 0
                                    

◼️◾▪️◼️◾▪️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

◼️◾▪️◼️◾▪️

EPISODE 8
WITCH’S ADVOCATE

▪️◾◼️▪️◾◼️

Dumanguyngoy ang karamihan nang mahatulan ang pangulo ng kanilang seksyon at namalan pa nilang isa siyang Villager at hindi Werewolf. Samot-saring tanong ang dumumog sa kanilang isipan: Bakit niya sinakripisyo ang sarili niya? Paano niya natamo ang sugat niya sa balikat? Posible kayang alam niya kung sino ang pumatay kay Mone at gusto lang niya itong pagtakpan? Pinlano ba niya iyon lahat bago mag-umpisa ang botohan?

Pagkabalik na pagkabalik nila sa loob, tumambad sa kanila ang mga baso sa lamesa na may lamang dyus. Pagkatapos, may natanggap silang notipikasyon mula sa kanilang votepad.

Drink the juice.

Isang ideya ang bumisita kay Millie kaya agaran siyang tumutol: “’Wag! B-baka this time, may lason na ’yan.” Napalakad ng kaliwa’t kanan habang kagat-kagat ang kaniyang mga kuko at tumutulo ang mga luha. “A-ayaw ko pang mamatay. Ayaw ko pang mamatay.”

“Kumalma ka lang, girl. ’Wag ka nang mag-krayola.” Nilapitan siya ni Nayomi, ikinulong sa mga braso ng dalaga, at hinagod ang kaniyang likod.

Kapagkuwa’y tuluyang kumawala sa bibig niya ang mahihinang hikbi. “A-ayaw kong inumin ’yan. Ayaw ko pang mamatay.”

“Sa tingin ko, kailangan nating sumunod sa utos. What did the broadcast say back then? Paparusahan ang mga violator,” matiim na wika ni Hemeni at saka siya lumapit sa mesa at kumuha ng isang baso ng dyus. Nakini-kinita niyang matutulad sila sa sinapit ni Yoji kapag hindi sila tumalima. “Mukhang wala naman ’tong lason. Kung gusto n’yo pang mabuhay, sumunod na lang kayo.” Pagkatapos niyang sambitin iyon, nilagok niya ang laman ng baso.

Napasinghap ang karamihan, inaabangan kung ano man ang mangyayari kay Hemeni pagkatapos niyon.

“Hemeni has a point,” pagsang-ayon naman ni Fallon at tuluyan na ring humakbang palapit sa dalaga. “’Wag kayong lumabag. ’Wag n’yong ipahamak ang mga sarili n’yo. You have to cooperate. ’Wag nating sayangin ang pagbuwis ng buhay ni Prez. This time, mas galingan natin sa pag-iimbestiga at kailangang maging mapanuri. Let’s help the Inspector catch the Werewolf. We shouldn’t just talk the talk, but walk the walk.” Uminom na rin siya ng dyus pagkatapos niyang sabihin iyon.

Makaraan ang ilang minuto, biglang dumoble ang kanilang paningin at sumakit ang ulo. Hanggang sa tuluyang bumagsak sa sahig sina Hemeni at Fallon ’tapos nawalan ng malay.

Napalunok ang ilan at napayakap sa katabi. Mas lalo pang naghuhuramentado ang kanilang mga puso nang matanaw sa telebisyon ang oras na kulay pula. Umusbong ang pangamba sa kanilang sistema nang makitang mabilis na tumakbo ang oras.

“Shoot! What do we do now?” ang naibulalas ni Humes habang hawak ang batok at kagat-kagat ang pang-ibabang labi.

Si Millie na halos malukot ang mukha, pinaraanan ng tingin ang mga kasama bago magbato ng kuwestiyon: “A-ano’ng ibig sabihin nito, mga bhie?”

Werewolf GameWhere stories live. Discover now