Chapter 11

6.8K 156 2
                                    

Hindi ko alam kung bakit nandito si Nina pero pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang pagpunta niya dito. Pero bakit? Bakit nga ba siya nandito?

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin.

"Pinag-break muna kasi lahat ng models kaya nandito kami," sabi niya at saka itinuro ang iba pang models na kasalukuyang umo-order ng pagkain. Hindi ko namalayang pumasok din pala sila dito. "Maayos na ba ang paa mo?"

"Oo. Naipagamot na namin sa clinic," sabi ko. Pagkasabi ko no'n ay bumalik na ang tingin niya kay Aiden.

"Hi," bati niya rito.

Nginitian niya si Aiden ng ubod ng tamis. Sumulyap naman ako kay Aiden at napansin kong hindi niya pinansin si Nina. Patuloy pa rin siya sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na lang ako.

Bumaling naman sa'kin si Nina at bumulong. "Ang suplado naman niya. Hindi namamansin. Pakilala mo naman ako, oh. Hindi ko alam na kilala mo pala siya. Siya kasi 'yong nakita kong gwapo kanina noong nagpa-practice tayo."

Ayoko namang isipin ni Nina na sinosolo ko si Aiden kaya ipinakilala ko na lang siya kahit ayoko. Naisip ko kasing baka magustuhan siya ni Aiden at bigla na lang siyang tumigil sa pagtulong sa'kin kapag ipinakilala ko siya. Iyon lang talaga ang dahilan.

"Uhh, Aiden, si Nina nga pala. Nina, this is Aiden."

Sumulyap muna sa'kin si Aiden at saka siya pilit na ngumiti kay Nina.

"Hello," sabi niya.

Halatang ayaw niya kay Nina. Pero bakit? Maganda naman si Nina. Oo nga at ayokong magustuhan siya ni Aiden pero kahit papaano, sa tingin ko mabait naman si Nina.

"Nice to meet you," sabi ni Nina kay Aiden. "Uhh, can I ask a question?"

"Sure."

Question? Anong question?

"Kaano-ano mo si Lyza?" tanong niya kay Aiden na ikinagulat ko. Pero hindi ko inaasahang mas nakakagulat pa pala ang magiging sagot ni Aiden.

"She's my girlfriend," diretso niyang sabi.

Nanatili lang ang tingin ko kay Aiden hanggang sa magsalita si Nina.

"Oh! T-talaga? Akala ko kasi single pa si Lyza. I-ikaw pala ang boyfriend niya. Uhh, sige ha? Alis na 'ko. Nagugutom na 'ko, eh," sabi niya at saka umalis doon.

Nagpapasalamat ako na umalis na si Nina pero hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni Aiden kaya tumingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" tanong niya.

"Ano na naman 'yon?"

"Why? Masama ba? Tutal naman umpisa pa lang ay pinagpanggap na kitang girlfriend ko, ituloy na lang muna natin. Besides, tinutulungan pa rin naman kita sa paghahanap kay Tristan. So, hangga't hindi natin siya nahahanap, ikaw ang girlfriend ko," paliwanag niya.

Hmm, kunsabagay. May point naman siya. Doon naman talaga nagsimula ang lahat. Pero hindi ko pa rin maiwasang magtanong.

"Ayaw mo bang magka-girlfriend ng tunay? Mabait naman si Nina, ah? Saka maganda naman siya," sabi ko.

"I'm not interested. Besides, I already love someone else," sabi niya na ikinagulat ko na naman. May mahal siyang iba? Sino naman kaya?

Tumahimik na lang ako at hindi na nagtanong. Sa tingin ko kasi private na iyon. Kahit na curious ako kung sino 'yon ay pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid na niya ako sa bahay. Hindi na muna ako nagtuloy na mag-practice dahil tinawagan na ako kanina ni Mommy na ipahinga muna ang paa ko dahil baka lumala pa.

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now