Chapter 23

8.1K 172 1
                                    

We stayed in Paris for three days. Sa loob ng three days, ipinasyal niya ako sa iba't ibang lugar sa Paris. Minsan ay dinala niya ako sa Eiffel Tower ng hapon at nag-stay kami doon hanggang gabi. We also visited Notre Dame Cathedral, Palace of Versailles, Arch of Triumph, Louvre Museum, and many more. Pakiramdam ko ay napakabilis lang ng oras habang magkasama kami.

After three days ay umuwi na rin kami sa Pilipinas. Nagpasundo siya sa driver nila sa airport. Nandito na nga kami sa bahay ngayon at hinatid muna niya ako.

Bago ako bumaba ay niyakap muna niya ako.

"Oo nga pala. I'll fetch you tomorrow. Sa bahay ka mag-lunch. I'm going to introduce you formally to my parents," he said, smiling.

I suddenly felt nervous. Even though I already met his Dad, I don't know if I can face his mother. What if she doesn't like me?

I heard his soft chuckle. "Don't be nervous. Akong bahala sa'yo. I'm sure they'll like you."

I smiled and nodded. "Okay."

Hinalikan niya ako sa noo at ginulo ang buhok ko. "Sige na. Take a rest. Tatawagan na lang kita mamaya. Or you can call me if you want."

Pagkatapos ng pagpapaalam ay bumaba na ako at hinintay na umalis ang sasakyan nila. Nang nakaalis na sila ay saka ako pumasok ng bahay ng may ngiti sa mukha.

Naabutan ko si Mommy na nasa garden at may mga hawak na namang papel. It must be something related to her business. Lumapit ako at nang makita niya ako ay nagulat siya.

"Hi, Mom," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Oh, hindi ka man lang nagsabi na ngayon ka pala uuwi. So, how's your trip to Paris?" she asked while looking at me intently.

"It's fine, Mom. I had a good time. Ikaw po? May problema ba sa boutique? Bakit puro papel yata ulit ang hawak mo? Mom, I told you. Don't work too much," sabi ko ng may halong pag-aalala.

Umiling siya. "I'm fine. Besides, nakapagpahinga naman ako nitong huling dalawang araw. Ngayon na lang ulit ako humawak ng papel dahil dumating ulit ang mga new stocks natin."

I sighed. "Okay, Mom. If you need any help, just tell me, okay?"

Tumango naman siya. "Oo nga pala. Kumusta ang pag-uusap niyo ni Aiden? You still didn't tell me what happened between the two of you."

Napalunok ako. I think this is not the right time to talk to my Mom about Aiden. Mukha pa siyang maraming iniisip dahil sa business. Might as well tell her later.

"Uhh, mamaya ko na lang po siguro ikukwento. Magpapahinga po muna ako," I said.

"Oh, okay. Mabuti pa nga at mukhang pagod ka pa sa biyahe. Kumain ka na ba?"

Tumango ako. "Tapos na po. Sige, Mom. Aakyat na po muna ako sa kwarto ko."

Pagkatapos no'n ay umakyat na ako sa kwarto. Sa sobrang pagod ay sapatos ko na lang ang tinanggal ko. Hindi na muna ako nagpalit ng damit.

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita kung sino ang nag-text.

From: Aiden <3
I'm home. Rest well. I love you.

Nag-type agad ako ng reply.

To: Aiden <3
Rest well, babe. I love you, too :*

Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagsimulang matulog. Pero hindi pa man ako nakakarating sa dreamland ay narinig kong tumunog ulit ang cellphone ko. This time, may tumatawag naman.

Aiden calling...

Napangiti ako at agad na sinagot ang tawag.

"Hello?"

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now