Chapter 14

6.1K 142 1
                                    

Kinabukasan, maaga kaming umalis para bumalik sa Manila. Dala-dala namin ang mga gulay na binigay ni Mang Tristan sa amin. Kahapon ay nagpasalamat at nagpaalam na rin kami sa kanya matapos magpatuyo ng sarili.

Alas tres pa lang ng madaling-araw ay nasa biyahe na kami ni Aiden. Dahil sa antok ko, hindi ko mapigilang maghikab. Ayoko namang matulog dahil baka ma-boring naman si Aiden at antukin din siya.

"If you want to sleep, you can. Mahaba pa naman ang biyahe," sabi niya.

Umiling ako. "No. Baka ma-boring ka at antukin din."

Imbes na sumagot ay in-on niya ang stereo. Nagpatugtog siya doon ng mahina. Sumulyap siya sa'kin saglit.

"There. Hindi na 'ko mabo-boring. You can sleep now."

Napabuntong-hininga na lang ako. Sige na nga, tutal naman inaantok talaga ako. Kaya naman mga ilang sandali lang ay nakatulog na nga ako.

**

Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Maliwanag na sa labas nang magising ako. Nasa Manila na pala kami at malapit na kaming makarating sa Hillsborough.

Tumingin ako sa relo ko at nagulat nang makitang alas siyete na ng umaga. Bakit parang matagal yata ang biyahe namin ngayon? Bumaling ako kay Aiden. Nakapatay na ang stereo. Napasulyap din siya sa'kin nang makitang gising na ako.

"Gising ka na pala."

"Uhh, bakit parang ang tagal ng biyahe natin ngayon?" tanong ko.

"Traffic sa Edsa, eh. Alam mo na, maraming pumapasok sa trabaho at school ng ganitong oras kaya maraming sasakyan."

Hindi na ako sumagot. Tahimik lang kami habang pauwi na sa bahay.

Habang pauwi kami ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kahapon. Saka lang nag-sink-in sa utak ko na hindi nga pala namin nahanap si Tristan Cruz. Hindi na naman.

"Aiden, saan ang next destination natin?" I asked.

Saglit siyang sumulyap sa'kin bago sumagot. "Hindi ko pa alam. Why?"

"Kailan tayo pupunta doon?"

"I don't know. Maybe next week?"

Next week? Hindi na 'ko makapaghintay. Gusto ko ng matapos 'to. Gustong-gusto ko ng mahanap siya. I suddenly felt desperate.

"Pwede bang ngayon na?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang sunod-sunod na sulyap niya sa'kin habang nagda-drive.

"Are you serious?" he asked.

Nagkibit-balikat ako. "Well…"

"Hindi ka pa ba pagod?"

"I am. Pero kaya ko pa naman. Tutal naman nakaupo lang naman ako dito."

"Well, okay lang naman basta malapit. But I think it's somewhere in Dumaguete," sabi ni Aiden.

"Great! Pwede tayong mag-barko na lang para makapunta doon? I mean, makakapagpahinga pa tayo habang nasa barko, 'di ba? Okay din naman ang plane pero parang mas okay kung barko para ma-enjoy naman natin ang view ng dagat," sabi ko.

Narinig ko ang pagtikhim niya.

"Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Hindi tayo pwedeng pumunta agad doon ngayon. I still need to go to the company to sign some papers. Hindi naman dahil nakabakasyon ako ay hahayaan ko na lang ang kompanya. Besides, pagod na rin ako ngayon."

"Pwede namang umuwi muna tayo para makapagpahinga. Then after that, ayusin na natin ang mga dadalhin nating gamit para pumunta na doon agad mamayang hapon. At tungkol naman sa kompanya mo, akala ko ba nandoon si Andy para mamahala muna?" I asked.

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now