Chapter 17

6.2K 157 1
                                    

Pagkatapos ng tatlong araw ay umalis na kami ni Aiden sa Dumaguete. Napagpasyahan namin na dumiretso na agad sa Cebu at huwag na munang bumalik ng Manila. Kaya naman habang nasa biyahe ay tinawagan ko si Mommy para magpaalam.

"Hi, Mom."

"Oh, napatawag ka. Uuwi ka na ba ngayon?"

"Uhh, no, Mom. Actually, I'm on my way to Cebu."

"Cebu? Anong gagawin mo sa Cebu? Teka, kasama mo pa rin ba si Aiden?"

Tumingin ako kay Aiden. "Yes, Mom. Don't worry. Kasama ko po siya."

"Hindi man lang ba kayo napagod at dumiretso na agad kayo sa Cebu?"

"Hindi naman po. Nakapagpahinga naman po kami sa Dumaguete," sagot ko.

"Mabuti kung ganoon. Oh, sige. Mag-iingat kayo diyan, ha? Call me when something happens. I love you."

"Okay, Mom. Bye. I love you, too."

Ibinaba ko na ang tawag at bumaling kay Aiden. Nakatingin siya sa'kin at nakangiti. Napangiti na rin ako.

"Do you want to sleep?" he asked.

"No, I'm fine."

"Okay."

Isinuot niya ang headset niya at pumikit. Tumingin na lang ako sa bintana at lihim na nagdasal na sana ay makita na namin si Tristan sa Cebu.

Maya-maya lang ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

**

Nagising ako nang maramdaman ang bigat sa ulo ko. Hindi ako agad nakagalaw nang mapansing nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Aiden habang siya naman ay nakasandal sa ulo ko habang nakaakbay sa'kin. Sa takot na magising ko siya ay hindi na muna ako gumalaw kahit na nangangawit na ako.

Maya-maya ay nagising na siya kaya umayos na ako ng pagkakaupo. Nang mapansing nakaakbay pa rin siya sa'kin ay bigla niya iyong tinanggal.

"Sorry. Mukha ka kasing hindi kumportable kanina, eh," sabi niya.

"Ayos lang. Thanks."

Nang makarating kami sa Cebu ay dumiretso agad kami sa hotel at nagpahinga agad dahil sa pagod sa biyahe. Nang magising naman kami ay kumain na kami at pinag-usapan ang pupuntahan naming address ni Tristan dito sa Cebu.

"Don't worry. Alam ko naman kung saan 'yon. Saka pwede naman tayong magtanong-tanong kung sakali," sabi niya.

Bigla naman akong napahinto sa pagkain nang may maisip. Hindi pa rin sigurado kung si Tristan na nga ba na hinahanap namin ang makikita namin dito sa Cebu. Sana nga siya na ang hinahanap namin. Kung sakali mang hindi siya, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Mahahanap natin siya. Kapag nawalan ka ng pag-asa, hindi naman ako ang malulungkot sa huli kundi ikaw. Kaya kung gusto mo siyang mahanap, huwag kang mawalan ng pag-asa," sabi niya nang mapansin ang pananahimik ko.

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang gumabi ay naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas ng hotel. Balak sanang sumama ni Aiden pero pinigilan ko siya dahil sabi ko ay magpapahangin lang ako at babalik rin agad. Kahit na ayaw niyang iwan ako ay pumayag naman siya.

Naglakad-lakad ako sa labas ng hotel. Medyo matao pa sa mga oras na ito dahil medyo maaga pa. Pansin ko ang mga couples na naglalakad habang magkahawak ang mga kamay pati na rin ang mga taong may sariling pinagkakaabalahan.

Sa tagal ng paglalakad ko ay hindi ko namalayang medyo nakalayo na pala ako sa hotel. Nakarating ako sa isang lugar na maraming tao. Bar pala iyon. Naisipan kong pumasok para makapagliwaliw saglit at para na rin ma-experience ang nightlife dito sa Cebu.

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon