Chapter 26

7.1K 159 0
                                    

Sinundo kami ng driver ni Daddy sa airport. Mabuti na lang at kilala ako ng driver ni Daddy kaya nang makita niya ako ay sinalubong niya agad kami.

"Pinoy ang driver ng Daddy mo?" bulong sa'kin ni Aiden habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.

Tumango ako. "Oo. Pati katulong ni Daddy sa bahay, puro Pilipino. Pati assistant niya. May mga employees din siyang Pilipino sa hotel niya pero meron din namang Canadian. Mas kumportable kasi siya kapag puro Pilipino ang kinukuha niya."

Tumango-tango si Aiden. Sumakay na kami sa sasakyan at inihatid kami ng driver sa bahay.

Sa hotel sana tutuloy si Aiden pero ang sabi ni Daddy ay mas mabuting sa bahay na lang kaya kasama ko siyang uuwi sa bahay ngayon. Hapon na kaya posibleng nasa bahay na si Daddy ngayon. Hindi ko na lang muna sinabi kay Aiden dahil baka mas lalo lang siyang kabahan.

Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong kami ng dalawang katulong at tinulungan kaming ipasok ang mga gamit na dala namin.

Tumingin ako kay Aiden. Nakatingin siya sa kabuuan ng bahay. I intertwined our fingers kaya napalingon siya sa'kin. I smiled. Ngumiti rin siya kaya hinila ko na siya papasok ng bahay.

"Is your Dad inside?" he asked.

I shrugged. "I don't know. Let's see."

Pagpasok namin sa bahay ay bumungad sa'min ang tahimik na atmosphere. Parang walang tao. Nang dumaan ang isang katulong ay tinanong ko siya.

"Ate, nandiyan na ba si Daddy?"

"Wala pa po, Ma'am. Ang sabi po niya, may meeting daw po siyang pupuntahan kaya medyo male-late daw po siya. Pero sasabay daw po siya sa dinner."

Tumango ako at ngumiti. "Sige. Salamat. Ano nga palang guest room ang gagamitin?"

"Iyong guest room po sa tabi ng kwarto niyo," sabi niya. Nagpasalamat ako ulit at saka siya umalis. Bumaling ako kay Aiden.

"Oh, mamaya pa daw siya darating. Gusto mong magpahinga muna?" I asked.

Umiling siya. "Tingin ko hindi rin naman ako makakapagpahinga. I'll just wait for your Dad. Ikaw na muna ang magpahinga kasi alam kong pagod ka sa biyahe."

Umiling din ako. "Hindi na. Nakatulog naman ako sa biyahe kaya okay lang. Sasamahan na lang kitang hintayin si Daddy."

He smiled. "Okay, then."

Umakyat na kami sa taas para magpalit ng damit. Pinadiretso ko na siya sa guest room sa tabi ng kwarto ko habang ako naman ay nagpunta na rin sa sarili kong kwarto para magbihis. Nang matapos ay sabay din kaming bumaba.

**

Gabi na nang makauwi si Daddy. Nang makita namin ni Aiden na pumasok ang sasakyan niya ay napatayo kami mula sa kinauupuan namin.

Napalingon ako kay Aiden. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya at ang paglunok niya. Napangiti ako. Mukhang nadagdagan ang kaba niya.

Nang bumaba si Daddy sa sasakyan ay sinalubong ko siya at agad na niyakap. He smiled and hugged me back.

"I missed you, Dad," sabi ko.

"I missed you too, darling."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at saka bumaling kay Aiden. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palapit sa'kin. Saka ko ibinalik ang tingin kay Daddy.

"Dad, I want you to meet Aiden Searrs, my boyfriend."

"Good evening, Sir," bati ni Aiden at saka inilahad ang kamay.

Finding The Right OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora