Chapter 5

7.4K 171 1
                                    

Nanatili lamang akong nakatingin sa labas habang nasa gitna kami ng biyahe. Napatingin na lamang ako sa kanya nang magsalita siya.

"Saan ka ba umuuwi?"

"You don't have to take me home. Kahit diyan na lang sa sakayan," sabi ko.

He smirked. "And who told you I'll take you home? I'm just asking."

I rolled my eyes. Right. Nakalimutan kong hindi nga pala gentleman ang taong ito. Tss!

"Bakit ba gusto mong malaman?" I asked.

"Para alam ko kung saan kita susunduin bukas."

Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Susunduin mo ako bukas?"

Sandali siyang tumingin sa'kin bago nagsalita. "Sa Laguna ang susunod na pupuntahan natin. Mas okay siguro kung huwag ka ng pumunta ng hotel. I'll just fetch you so that we can go there directly. Saan ka ba nakatira?"

Sige, binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. Medyo may pagka-gentleman pala siya.

"Hillsborough."

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko. "Hillsborough? Saan sa Hillsborough?"

I rolled my eyes. "Duh! Hindi mo ba alam kung nasaan ang Hillsborough? Malapit sa Alabang 'yon."

Tumingin siya sa'kin na parang alam niya ang sinasabi ko. "I know. I mean, anong street sa Hillsborough?"

"Scarborough," sabi ko.

"I'm from Nottingham."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. "So, taga-Hillsborough ka rin?"

"Obviously," he said, sarcastically.

Wow! So, para na rin pala kaming magkapitbahay. Well, not literally. Mula sa entrance ng Hillsborough ay mauuna ang Nottingham. Ang Scarborough naman ay nasa gitna. I think medyo mahabang lakaran pa mula sa kanila bago sa'min. I don't know. Hindi ko naman alam kung saan banda sa Nottingham ang bahay nila.

"So, hindi na pala ako mahihirapang hanapin ang bahay niyo bukas," sabi niya.

"I think so."

Maya-maya ay nakarating na kami sa Hillsborough. Akala ko ay ibababa na niya ako sa entrance ng village pero hindi pala. Idineretso niya ito hanggang makarating kami sa Scarborough.

"Wait. 'Di ba sa Nottingham ka? Bakit nandito tayo sa Scarborough?"

"I'll drop you to your house. Mabilis lang din naman ako makakarating sa bahay since I have a car. So, ituro mo lang kung saan banda ang sa inyo," sabi niya.

"You can just drop me at Scarborough Park. Malapit doon ang bahay namin."

"Okay."

Nang makarating kami sa Scarborough Park ay inihinto niya agad ang sasakyan. Pagbaba ko, tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Thanks for the ride."

"No problem. Bukas, 10:00 AM, susunduin kita dito. Huwag na huwag kang male-late," sabi niya.

"As you wish. Bye." I flipped my hair and left.

**

The next day, I was awakened by my phone ringing. Kahit na inaantok pa ay kinuha ko ito at sinagot ang tawag.

"Hello?" I said in my morning voice.

"Where the hell are you?!"

Agad kong inilayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng sigaw niya. Tiningnan ko kung sino ang caller at saka sinagot ulit ito.

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon