Chapter 16

6K 143 1
                                    

Nang makarating kami sa Dumaguete ay dumiretso agad kami sa hotel na tutuluyan namin. Isang room ulit ang kinuha ni Aiden na mayroong dalawang kama. Sa sobrang pagod ko ay humiga agad ako sa kama ko at hindi ko namalayang nakatulog ako agad.

Nagising ako sa tunog ng cellphone. Akala ko ay sa'kin iyon kaya kinapa ko sa table sa gilid ng kama pero nang tingnan ko ay hindi pala. Napatingin ako sa kabilang kama nang makitang may kausap na si Aiden sa cellphone. Sa kanya pala 'yong tumutunog.

Tumayo ako at doon ko lang napansin na may kumot na ako at natanggal na rin ang sapatos na suot ko kanina. Si Aiden siguro ang nagtanggal.

Sumulyap ako kay Aiden at napansin kong nakatingin siya sa'kin habang may kausap pa rin sa cellphone. I wonder who it is. May problema kaya sa kompanya?

Hindi ko na hinintay na matapos siya at kumuha na ako ng damit ko para maligo. Sumenyas ako na papasok sa banyo kaya tumango siya.

Nang matapos akong maligo ay nadatnan kong may mga pagkain na sa mesa. In-order siguro niya 'yon habang nasa banyo ako. Nang makita niya ako ay napangiti siya.

"I thought you might be hungry kaya nag-order na 'ko. Besides, hindi pa rin ako kumakain. C'mon, let's eat," sabi niya at nilahad ang upuan sa tapat niya.

Umupo ako doon at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya na medyo magulo ang buhok na parang hindi sinuklay pero bagay sa kanya. Habang tinitingnan ko siya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niya. At mayroong ketchup sa gilid no'n.

Napalunok ako. Hindi man lang ba niya nararamdaman 'yon? Bakit hindi niya tanggalin? Nakaka-distract kaya!

Napansin niya ang titig ko kaya napaiwas ako ng tingin. Pero nahuli pa rin niya ako.

"Bakit?" tanong niya.

Imbes na sumagot ay nginuso ko ang labi niyang may ketchup sa gilid. Napakunot-noo naman siya na parang hindi naintindihan ang sinasabi ko kaya nginuso ko ulit. Nagulat na lang ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa'kin pero bago siya makalapit ay lumayo na ako.

"A-anong gagawin mo?" I asked.

"Kiss. Gusto mo ng kiss, 'di ba?"

Muntik na akong mabulunan nang dahil sa sinabi niya. At sinabi pa niya 'yon na parang wala lang sa kanya!

"Anong 'kiss'? 'Yong gilid ng labi mo, may ketchup!"

Bigla naman siyang lumayo nang sabihin ko iyon kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin? Akala ko tuloy gusto mo ng kiss. Well, willing naman akong ibigay 'yon sa'yo," sabi niya.

Tuluyan na akong nabulunan nang sabihin niya iyon lalo na nang bigla niyang dilaan 'yong gilid ng labi niya. Bakit niya ginawa 'yon?! May tissue naman, ah!

Binigyan niya ako ng tubig habang tumatawa.

"Dahan-dahan kasi," sabi niya.

Ininom ko ang tubig at napabuntong-hininga ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa mapadpad kami sa topic tungkol sa paghahanap kay Tristan.

"So, bukas tayo pupunta kay Tristan?" tanong ko.

Tumango siya. "Yup. I want you to get ready. Baka hindi mo magustuhan ang makikita mo."

Napakunot-noo ako. "Ha? Bakit naman?"

"Nang nakita ko ang facebook account niya, mayroon siyang asawa at dalawang anak. Hindi ko alam kung siya ang hinahanap mo pero kung sakaling siya, at least you're ready," sabi niya.

Napalunok ako. Yes, I am ready. Simula pa lang, naisip ko na talaga na maaaring may sarili ng pamilya si Tristan. Of course, sa edad namin, hindi imposibleng mangyari 'yon.

"Of course, I'm ready," I said.

**

Kinabukasan, pagkatapos naming mag-breakfast ay umalis na kami para pumunta sa bahay ni Tristan na hindi kalayuan dito. Napadpad kami sa isang bahay na mayroong tindahan.

Lumapit si Aiden sa tindahan at nagtanong.

"Excuse me po. Dito po ba nakatira si Tristan Cruz?" tanong niya sa dalagitang nagbabantay.

"Anak po niya ako. Bakit po? Ano pong kailangan niyo sa kanya?" tanong niya at napatingin sa'kin ang babae.

"Pwede ba namin siyang makausap?" tanong ko.

"Wala po siya ngayon, eh. Anniversary po kasi nila ni Mama kaya umalis po sila. Sa isang linggo pa po ang balik nila."

Napatingin ako kay Aiden. Tatlong araw lang kami dito sa Dumaguete at hindi na namin sila maaabutan. Then, should we extend?

"Ganoon ba? Sige. Kung ganoon, sa'yo na lang kami magtatanong. Ayos lang ba?" sabi ni Aiden sa babae.

Napakunot ang noo ng babae. Hindi siguro siya sigurado kung dapat ba niya kaming sagutin o hindi.

"Don't worry. Hindi ka namin sasaktan. Wala kaming balak na masama. Hindi kami masamang tao. May hinahanap lang kasi kaming tao at kapangalan siya ng tatay mo," sabi ko.

Bahagyang umaliwalas naman ang mukha niya nang sabihin ko 'yon. "Ano po ba 'yon?"

"Alam mo ba kung saan nag-aral ng high school ang tatay mo?"

Napaisip siya. "Ang alam ko po, sa school kung saan ako nag-aaral ngayon. Doon din po niya nakilala si Mama. Sa school po malapit dito."

Napatingin si Aiden sa'kin. Umiling ako. Hindi pa rin siya ang Tristan na hinahanap ko. Bumaling ako sa babae at nagpasalamat.

"Uhh… salamat, ha? Hindi pala siya 'yong hinahanap namin. Pasensya na sa abala," sabi ko at pilit na ngumiti.

"Ayos lang po," sagot nito.

Nagpaalam na kami sa kanya para umalis. Pero bago pa kami makalayo, tinawag niya ako.

"Ate, sandali lang po!"

Napalingon ako at nakita ko ang magandang ngiti niya. "Malapit niyo na po siyang makita."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Napangiti na lang ako. Sana nga. Sana nga makita ko na siya.

Nang makabalik kami sa hotel ay bigla akong nawalan ng gana. Gusto ko pa sanang mamasyal sa mall malapit dito para makabili na rin ng pasalubong para kay Mommy pero pakiramdam ko, wala na akong energy ngayon.

Napaupo ako sa kama ko. Nakayuko ako habang iniisip kung kailan ko nga ba makikita si Tristan. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin si Aiden. Napatingin ako sa kanya. Tinapik niya ang balikat niya at hinila ang ulo ko papunta doon.

"Kailan ko ba talaga siya mahahanap?"

"Shh… Darating din 'yon sa tamang panahon," sabi niya.

"Pero kailan 'yon? Unti-unti na 'kong nawawalan ng pag-asa. Malapit na 'kong sumuko na makikita ko pa siya."

"Mahahanap rin natin siya. Tiwala lang," sabi niya.

Somehow, I felt relieved because Aiden is by my side. Lagi siyang nandiyan para sa'kin. Lagi niyang pinapalakas ang loob ko at laging sinasabing makikita rin namin si Tristan.

Pero minsan, naiisip ko na masama rin kung lagi siyang nandiyan. Dahil baka kapag dumating na ang panahong mahanap ko na si Tristan ay iiwan na niya ako at hindi ko na siya makikita pa ulit. Ayokong maging dependent sa kanya dahil baka dumating ang panahon na hindi ko na kakayaning mawala siya.

Lalo na at unti-unti ko ng naririnig ang sinasabi ng puso ko.

Finding The Right OneWhere stories live. Discover now