Chapter 12

6.8K 191 2
                                    

Maaga akong nagising ngayon. Alas singko pa lang ng umaga pero nakaligo na ako at nakaayos na rin ang gamit na dadalhin ko. Hindi na ako masyadong nagdala ng mga gamit dahil uuwi din naman kami agad.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Mukhang tulog pa si Mommy dahil si Manang lang ang naabutan kong nasa kusina at kasalukuyang nagluluto ng pancakes. Nang mapansin niya ako ay nagulat siya.

"Oh, ang aga mo yata ngayon? 'Di ba mamaya pang alas siyete ka aalis?" tanong niya.

"Opo. Maaga po kasi akong nakatulog kagabi kaya maaga rin po akong nagising."

"Mabuti na lang at gising na rin ako para maipaghanda ka ng pagkain. Gusto mo ba ng kape?"

Tumango ako. "Sige po. Salamat."

Ipinagtimpla niya ako ng kape at saka ibinigay iyon sa'kin. Nang maluto ang pancakes ay binigyan niya rin ako para kainin. Pagkatapos kong magpasalamat ay saktong tumunog ang cellphone ko.

Napakunot-noo ako nang makita kong si Aiden ang tumatawag. Gising na rin siya?

"Hello?"

"Good morning. Did I wake you up?"

"Good morning. No. Actually, kanina pa 'ko gising. Nakabihis na rin ako at kumakain na lang ng breakfast."

"Woah! Ang aga mo yata. It's only 5:30 am."

"Maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya maaga rin akong nagising. Anyway, kakagising mo lang?"

"Actually, nandito na 'ko sa labas ng bahay niyo."

Muntik ko ng maibuga ang kapeng iniinom ko nang sabihin niya iyon. Nagpunas ako ng bibig at saka mabilis na lumabas ng bahay para tingnan kung naroon nga siya.

"What?"

Narinig ko ang halakhak niya mula sa kabilang linya. Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko siya na nakasandal sa sasakyan niya. Nang makita niya ako ay ibinaba niya ang tawag. Lumapit ako sa kanya.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko.

"Not really. Nang tumawag ako sa'yo, kakarating ko lang. Naisipan kong tawagan ka dahil napansin kong bukas ang ilaw sa bahay niyo."

Napatango ako. "Ang aga mo rin palang nagising. Kumain ka na ba? Gusto mong sumabay sa'king kumain? O gusto mo umalis na tayo ngayon?"

Umiling siya. "No, just continue eating your breakfast. Dito na lang kita hintayin."

"Uhh, no. Pumasok ka muna para hindi ka mainip."

Tumalikod na ako para hindi na siya umangal pa. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa'kin kaya napangiti ako.

Pagpasok namin sa bahay ay nagulat si Manang nang makita si Aiden.

"Oh, akala ko ba alas siyete kayo aalis? Bakit ang aga naman yata?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako at hindi na sinagot ang tanong niya. Tumalikod naman siya at nagsimulang magtimpla ng kape. Si Aiden naman ay umupo sa tabi ko at pinanood akong kumain. Inalok ko siya ng pancake pero ayaw niya.

Nilapag ni Manang ang kapeng tinimpla niya sa harap ni Aiden. Ngumiti naman si Aiden at nagpasalamat. Iniwan na kami ni Manang doon pagkatapos magligpit.

Tahimik lang kaming kumain doon hanggang sa marinig namin ang mga yapak ng paa papunta sa'min. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Mommy na natigilan nang makita si Aiden sa tabi ko.

"Good morning, Mom," bati ko at humalik sa pisngi niya.

"Good morning," sabi niya sa'kin bago ibinalik ulit ang tingin kay Aiden.

Finding The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon