Prologue

5K 137 21
                                    

"Oh my God!" Bulalas ni Vanessa pagkabukas niya ng pinto. Awtomatikong nawalan siya ng buong lakas dahilan para matumba sa pintuan kahit pa nakahawak pa rin ang kamay sa door knob.

"Babe, let me explain." Tarantang saad ng kanyang nobyong si Klein habang nagsusuot ng boxer shorts.

Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala pero di niya magawa dahil ramdam niya ang pagkabasag ng boses at tila nawalan na rin ng lakas para maglabas ng hinanakit dahil sa nadatnan.

Kahit nanginginig ang buong katawan ay pinilit niyang tumayo sa pamamagitan ng pagkapit sa door knob, bago pa makalapit sa kanya ang boyfriend.

"Babe please—"

Nang magawang kumilos ni Vanessa ay pagtakbo pababa ang kanyang unang ginawa habang pinupunas ang di mapigilang luhang patuloy pa rin sa pag-agos kahit hindi niya intensyong umiyak. Para bang sasabog ang dibdib dahil sa bigat ng nararamdaman.

Hanggang sa tuluyang makalabas ng apartment ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan.


Sosorpresahin sana niya ang nobyo ngunit siya ang nasorpresa nang madatnan ito sa kamang may kasamang babae at parehong walang ibang tumatakip sa katawan maliban sa kumot.

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now