Chapter 17

1.5K 78 21
                                    

"May time naman ako para makinig."

"Bakit pa? Matagal nang tapos 'yon."

"Interested ako."

"Interesado or usi lang?"

"Anong usi?"

"Usisera." Binato ko sa kanya 'yong kinagatang mojos. "Oy, wala kang respeto sa pagkain." Aniya nang masalo ito saka kumagat din.

"Kwento mo na lang kasi 'yong sawing pag-ibig mo."

"I don't consider it that way."

"In denial. Nasaktan ka lang yata." Pang-aasar ko.

"I think I just feel sorry for the girl because..." Natigilan siya at napatingin sa hawak na mojos na kasalukuyan niyang kinakain. Hinihintay kong magpatuloy siya sa sinasabi pero parang nagbi-busy-busy-han sa pagngata.

"Kasi ano?" Tanong ko nang di na makapaghintay.

"She had been tricked." Kibit-balikat niya saka uminom ng soda matapos ubusin ang inihagis kong mojos.

"Tricked?"

"Not actually, but kinda."

"Ano 'yon? Nasa magic show kayo? Di ko maintindihan. Niloko mo ba siya? Manloloko ka?"

"It's part of the―" Muli siyang natigilan, para bang may naalalang hindi dapat sabihin. Napainom ulit siya ng soda. "Tinatamad ako magsalita pag sa ibang tao 'yong topic. Can we just talk about you and I?"

"There's no you and I."

"So, you're saying we're a product of dreams? Imagination? Hallucination? Illusion? We're inside the mind of someone else? Walang Vanessa Steffan at walang Heather Oppenheim na galing sa St. Vincent's University at kumakain ngayon sa isang branch ng pizza-chain? We're not real? Not even existing?"

"Wag mo 'kong dinadaan diyan sa mga mind-bending mong tanong."

Mula sa kunwaring pagiging seryoso ay napangiti siya. "I'm trying to be skeptic." Sagot niya. "At least it's not Sextus Empericus' phyrronism; Too complicated for my small brain to comprehend."

Napaismid ako sa kawalang idea sa mga pinagsasabi niya. Para ngang ako pa 'tong Patrick Star sa'ming dalawa.

"Wag mong iwala ang usapan."

"Mas okay namang topic ang skepticism kesa naman 'yong babaeng extra sa buhay 'ko."

"Siguro may feelings ka pa sa kanya kaya ayaw mo magkwento, kasi ayaw mong maalala, kasi alam mong masasaktan ka."

Tumaas ang isang kilay niya, contrary sa nakangiti niyang labi. "So, you're a mind reader now?"

Lihim din akong napangiti dahil sa biglang sumagi sa isip. "'Cause you've been hurt before. I can see it in your eyes. You try to smile away. Some things you can't disguise."

"Don't wanna break your heart. Baby, I can ease the ache." Di ko inaasahan nang kantahin niya ang kasunod na lyrics ng kantang isinalita ko. "Kumain na nga lang tayo." Pagputol niya sa panandaliaang tawanan.

"Tapos na 'ko."

"Ako rin. So, tara na?"

"Kwento ka muna."

"Anong fairytale gusto mo?"

"'Yong almost love story niyo ni anonymous girl."

Napabuntong-hininga siya at sumandal sa kinauupuan na para bang suko na. "Dahil makulit ka, sige. To make the story short, this girl has a rare condition where she can't recognize faces. At 'yon ang dahilan kung bakit hindi pwedeng maging kami, because all those times ang akala niya ako 'yong taong ginugusto niya, na kamuntikan pa niyang mahalin. By the way, do you believe in love?"

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now