Chapter 3

2K 112 14
                                    

Pagpasok ko sa loob ng pad ay naabutan kong nagbibihis si Heather.

"You didn't even lock the door?" Puna ko sa kanya matapos isarado at i-lock ang pinto. "Dapat do'n sa kwarto or sa walk-in closet ka nagpapalit at dapat i-lock mo 'yong pinto."

"Bakit pa? Tayong dalawa lang naman 'yong pumapasok dito? And we're both girls."

"What if may nagkamali ng pintong nabuksan at pumasok ta's naabutan kang ganyan dito mismo?"

"Edi... magpapabihis ako." Sarkastiko niyang sagot.

Napailing na lang ako at dumiretso sa walk-in closet.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay lumabas din kaagad pabalik sa sala.

Kumunot ang noo ko nang mapuna ang kawalan ng presensya ni Heather. Hinanap ko siya sa kwarto at tiningnan rin ang banyo, wala.

Napatingin ako sa pintuan, bahagya itong nakabukas. Lumabas siya nang hindi ko man lang namamalayan at nang wala man lang paalam.

At bakit nga naman pala siya magpapaalam sa'kin? Sino at ano ba ako sa kanya maliban sa estrangherong roommate. Pero kahit na. Manners!

Pinulot ko mula sa sahig ang kanyang mga pinagbihisan para ilagay sa hamper pagkatapos ay muling pumasok sa kwarto. Ito ang unang pagkakataon kong mapag-isa rito sa pad.

Kadalasan pag wala akong ginagawa, nagbabasa ako ng libro, nanonood ng series at...naggagantsilyo (madalas akong tuksuhin ni kuya dahil sa hobby kong ito. Pangmatanda daw kasi.) Ewan ko ba. Natutunan ko lang kasi yun noon sa isang outreach program na sinasalihan naming magkapatid. Doon sa tinuluyan naming bahay sa lugar na pinuntahan namin, may matandang babaeng nanggagantsilyo at tinuruan niya 'ko. Magmula no'n, nakahiligan ko na rin ito.

Pero ngayon, tinatamad akong gumawa ng kahit ano kaya nililibot ko na lang 'tong bagong tinitir'han. Hindi ko ma-feel yung exclusivity dahil may mga ibang gamit na narito at pagmamay-ari ng taong kahati ko sa pad na 'to.

Pansin kong kumpleto siya sa gamit. Do'n sa walk-in closet, andaming damit na nakalagay sa bawat cabinet at puno ng sapatos ang shoe rack. Medyo nahiya pa nga ako sa totoo lang kasi mukhang wala na 'kong mapaglagyan ng mga gamit ko pero inayos naman niya para magkaroon ng space para sa'kin. Do'n sa kusina may microwave, electric kettle, maliit na fridge at kung anu-ano pang kitchen appliances na hindi naman galing sa management ng building kun'di kay Heather. Sa sala may maliit na couch at coffee table, wall-mounted flat screen TV na napagitnaan ng dalawang slim speaker at may subwoofer pa sa bandang ibaba. Pagmamay-ari din niya 'yon. Ang lahat ng nandito ay kanya pati ang aircondition at ceiling fan.

At sa tingin ko, nagpipinta't nanglililok din siya kasi may mga painting canvas na nakahelera dito sa gilid ng kwarto at sa sala. Hindi ko nga lang makita ang nakapinta kasi panay nakatalikod ang mga canvas (at hindi ko pa napapakialamang tingnan.) Pero yung mga nalilok na kahoy ang mga nakita ko na. Hindi ko nga lang mahusgahan kung ano ang mga yun kasi napaka-vague ng figure at shape. Mala-out of this world ang dating (o baka frustrated sculptor lang talaga siya?)

Sa isang sulok dito sa kwarto nakalagay ang mga pintura, paintbrushes, easel, mga kahoy na hindi pa nalililok at mukhang mga gamit pang-sculpt.
Naku, kung aalis 'yon dito, andaming hahakutin.

Napatingin ako sa laptop niyang nakatiwangwang lang dito sa study table ng kwarto. Lumapit ako para isara ito. Umupo ako sa swivel chair. Bigla kong napansin ang sketchpad na nasa tabi lang ng laptop. Kinuha ko ito para tingnan kung may nakaguhit ba. Napaawang ang bibig ko sa nakita at lalong nagkainteres ilipat ang bawat pahina.

Panay larawan ng hubad na babae ang naka-sketch. Hindi naman malaswang tingnan. Hindi naman kasi kita ang mga maseselang parte dahil sa ayos ng posisyon o di kaya'y natatakpan ng buhok, kamay o tela. Artistic nga eh. Na-curious tuloy ako kung may model ba siya no'ng ginuhit niya ang mga 'to.

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now