Chapter 2

2.2K 110 20
                                    

"Bilisan mo!" Reklamo ko. Kanina ko pa kasi hinihintay na matapos si Heather sa pagligo at nang makasunod na 'ko.

"Matagal pa 'ko." Sigaw niya mula sa loob ng banyo. "Sumabay ka na lang kasi kung gusto mo."

Leche naman. Halos isang oras na siyang naliligo. Ano bang ginagawa niya sa loob ng banyo?

Late na ako!

"Hon, I'm done." Nakangiti niyang sabi pagkalabas ng banyo. Nakatapis lang ng tuwalya.

Inismiran ko lang siya at saka na dumiretso sa banyo dala ang sariling tuwalya.

"Naiinis ka ba kasi late ka na?" Narinig kong sabi ni Heather mula sa tapat ng pinto habang nagsisipilyo ako. "Sa susunod kasi, sabay na lang tayo."

Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong isaksak 'tong toothbrush sa kanya. Pinipilit ko ang sariling wag siyang bigyan ng pansin tuwing inaasar ako kasi parang mas nag-eenjoy pa siya lalo at ginaganahang mang-asar pag alam niyang naiinis ako.

* * *


Dala-dala ko sa eskwelahan ang pagka-badtrip kay Heather simula pa kahapon. Masyado siyang feeling-close na para bang ang tagal na naming magkaibigan para biru-biruin niya 'ko.

"Ang lapit na nga ng tinutuluyan mo late ka pa rin, Steffan." Puna sa'kin ni Jade pagkapasok ko sa loob ng classroom.

Actually, second class ko na 'to. Hindi ko sila kaklase sa first subject. Pero late na nga ako kanina, late pa rin ngayon. Consistent!

Hindi ako umimik at naghanap na lang ng mauupuan. Buti na lang hindi ko kaklase yung nakakairitang Heather na yun sa first and second class ko.

"Buti na lang mas late sayo si Sir." Sabi ni Anica na ako pala ang kinakausap.

Umupo ako malayo sa kanila at isinalpak ang earphone sa magkabilang tenga saka inilagay sa maximum ang volume.

Pagsapit ng lunchbreak ay nag-take out na lang ako ng makakain sa isang fastfood bago umuwi sa pad at do'n na lang kumain. Nasanay akong kumain sa labas kasama si Klein at dahil nga wala na siya ngayon sa buhay ko, medyo nakakapanibago. Pero ayos lang, masasanay din siguro ako. Lagi ko na lang pinapaalala sa sarili ko na Lalaki lang yun. May mas maraming bagay pa akong kailangang pagtuunan ng pansin kesa i-down ang sarili dahil sa gagong yun.

Tatlong oras pa ang bakante ko at ayokong tumambay sa loob ng eskwelahan dahil bukod sa naiirita ako sa mga kaklase ay ayaw ko ring makakita ng kahit sino mang engineering student dahil lalo ko lang maalala si Klein.

Nakahinga ako ng maluwag nang madatnang walang tao sa loob ng pad. Wala ang room-mate kong mapang-alaska.

Kumain akong mag-isa. Pagkatapos ay nagligpit at itinapon sa basurahan ang pinagkainan. Nag-toothbrush at naghilamos ng mukha para maiwasan ang pagkaantok. Natigilan ako nang makita ang repleksyon sa salamin. Ang haggard ko na pala. Walang kabuhay-buhay ang muk'a ko. Feeling ko tumanda ako ng fifty years. Spanish for milk! Ganito ba ang epekto nang pagkawala ng gagong yun sa buhay ko? Hindi pwede 'to. Pumapangit ako ta's siya patuloy sa pagpapakasaya at panggagago sa ibang mga babae?

"Hon?"

Nagising ako sa diwa nang may marinig na boses. Bago pa ako makakilos o makapagsalita ay may nakita akong kamay na nag-turn off ng kanina pa pala nakabukas na faucet.

"Tulala ka diyan? Okay ka lang?"

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses at sinalubong ako ng abuhing pares ng mata. Hindi ko alam pero hindi pa rin ako makapagsalita.

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon