Chapter 7

2K 111 16
                                    

"Hon," Nagising ako nang maramdaman ang mahinang pagyugyog sa balikat ko. "Hon, gising na."

Napaungol ako at kunot-noong napamulat ng mga mata. "Bakit?"

"8pm na. Kain na tayo."

Napabangon ako mula sa kama. Kinusot-kusot ang mata bago muling tingnan ang taong gumising sa'kin. "Ba't ginising mo pa 'ko?"

Napangiti si Heather habang pailing-iling ng ulo. "At bakit? Ayaw mong sumabay?"

"I mean, you don't— or we don't have to eat together. Roommate lang tayo. We're not even friends."

"Ay grabe 'to." Nananatili siyang nakaupo sa gilid ng higaan ko. "Mag-iilang araw na rin tayong magkasama, minsan na nga tayong nagkainuman tapos Mind your own business pa rin ba ang gusto mo?"

Napaisip ako sa sinabi niya. May point siya. Ano pa bang rason ng pagsusungit ko sa kanya? Hindi kaya nag-iinarte na lang ako?

Napabuga ako ng hangin. "Nagluto ka?"

"Kaya nga sila nagtayo ng fastfood para sa'tin." Pabiro  niyang sagot saka tumalon pababa ng sahig.

Pabigla-bigla 'tong babaeng 'to. Dahil ata sa ginawa niya ay tuluyan akong nagising.

"Umayos ka nga." Reklamo ko habang bumababa sa maliit na ladder ng bunk.

"Kain na tayo." Dumiretso siya sa kusina. Sumunod na lang ako.

Box of pizza na naman ang nakita ko sa mesa. Masyado na atang unhealthy ang mga kinakain namin. Panay galing sa pizza-chain o sa fastfood. Nami-miss ko tuloy ang lutong bahay. Pero wala naman akong magawa dahil pareho naming hindi alam kung paano magluto.

"Thanks sa pag-share. Ilang beses na 'to." Saad ko habang kumakain. "Masyado ka naman atang mabait. Wala bang kapalit?" Idinaan ko na lang sa biro ang tanong na yun.

"Parati akong mag-isa rito. Ngayon lang ako nagkaroon ng kasama." Sagot niya. Wala sa mukha niya ang nagbibiro o pagiging sarkastiko ngayon. "Natutuwa ako kasi may kasabay na 'kong kumain, matulog at magpalipas oras sa pad na 'to. Ano ba naman yang i-share ko kung anong meron sa'kin diba?"

Nakaisang slice lang ako pero si Heather, pinilit ubusin yung medium-size pizza.

Pansin kong may pagka matakaw siya pero nakapagtatakang hindi siya mataba. Ilang beses ko na siyang nakitang nagpalit ng damit. Maganda ang hubog ng katawan niya at wala akong mapunang bilbil. Anong milagro ang ginagawa niya para magmukhang physically fit kahit na panay cholesterol ata ang kinakain?

Ngayon ay pareho kaming nasa salas. Nakaupo kami sa iisang sofa ngunit magkalayo sa isa't isa. Mahaba ang espasyong pumapagitan sa'min. Nagbabasa ako ng libro, siya nama'y nanonood ng palabas sa TV habang painom-inom ng alak.

Nasanay na 'ko sa maya't mayang pag-inom niya. Hindi naman siya naglalasing. Pagkatapos niyang uminom mag-isa, maliligo na siya bago gumawa ng mapagkakaabalahan; magdo-drawing, magpipinta, maglililok, may kung ano-anong ginagawa sa laptop at sa tingin ko kasali na rin sa daily habits niya ang asarin ako.

Tuwing wala kasi siyang magawa, ako ang pinagdidiskitahan. Nariyan yung pangdi-distract o pagsasabi niya ng spoiler tuwing may binabasa akong libro o nanonood ng movie. Kapag nakatutok ako sa TV o sa pagre-review, bigla na lang siyang lalapit nang di ko namamalayan tsaka iihipan yung tenga ko. May kiliti pa man din ako sa tenga. At sa tuwing haharapin ko siya matapos niyang gawin yun, halos magkapalit na kami ng mukha dahil sa sobrang lapit kaya mas lalo akong maiinis. Kapag magagalit ako, gagayahin niya mga pinagsasabi ko. Nakakabuwisit. Kaya hangga't maari, hindi ko na lang siya pinapansin. Pero imposibleng maiwasan ko siya. Nasa iisang pad lang kami.

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon