Chapter 19

1.3K 83 24
                                    

Ako ang babaeng walang pakialam sa itsura. Okay na ako sa face powder lang at lip balm tuwing lumalabas dahil para sa’kin wala naman ng dapat ayusin o pagandahin sa mukha ko. Ngunit iba ngayon. Nabibighani ako sa nakikitang repleksyon sa salamin. Isang babaeng naka-formal attire, suot ang crimson red sheath dress. Nakalugay ang mahabang buhok na wavy sa bandang gitna hanggang dulo. Di gaya ng nakasanayan, hindi ko magawang baliwalain ang ganda sa sariling nakikita ko ngayon.

Bumaling ako sa kasamang naka-roba pa at imbes na isunod nang ayusan ang sarili ay naabutan kong nakatitig lang sa’kin.

“Pa’no ka natuto mag-make-up?” Takang tanong ko kay Heather. Siya ang nag-ayos sa’kin. No-Make-Up look. Kailangan naming maging presentable para sa white coat ceremony.

Mula sa blangkong pagkakatitig sa’kin ay bigla siyang napangiti nang di pa rin inaalis ang tingin sa mukha ko. Pumalatak siya ng dila kasabay ng pagpilig ng kanyang ulo. “Told you, I’m an entertainer. I have to learn how to look beautiful and appealing for the client.”

Mukha lang akong marikit sa ayos, but still...not lady-like to behave like a slime. Mahina ko siyang sinuntok sa balikat dahil sa biro niya.

“Konti na lang, maniniwala na talaga ‘kong high-end prosti ka.”

“I am.” Malokong ngiti niya.

“Diba sabi mo hindi ka hooker?”

“I’m a liar.”

Napaismid ako at muling humarap sa salamin. “You’re a bee.” Naalala ko ang unang araw ko dito.

“I make honey? You’re my honey. Does it mean I made you?” Bigla siyang napaatras at umaktong nagtataka. “You’re not real? Gawa-gawa lang kita?”

“Ano ako? Imaginary friend? Baliw! Totoo ako ‘no?”

“Tell me, that I’m not crazy. You never leave me and this is really happening.” Kanta niya.

“Mag-ready ka na. Kailangan na nating umalis mamaya.”

Pero hindi pa rin siya kumikilos. Hindi ko alam kung naka-blank stare siya o nakatitig sa mukha ko. Tatanungin ko sana nang bigla siyang magsalita.

“You sure? You don’t wanna call them?”

Makailang beses na niyang naitanong ‘yan simula pa kahapon. Nagbabakasakali siyang kausapin ko ang foster parents ko upang may um-attend para sa akin sa Ceremony.

“Okay lang naman kahit walang pumunta.” Sagot ko. “Mga totoong magulang ko nga, marami na ring na-missed na special events noon sa buhay ko.”

Sa pagiging sundalo ng mga magulang ko kung saan lagi silang nababase sa malayong lugar, madalas pang sa tuwing may mahalagang araw sila nalalayo sa aming magkapatid.

Naalala ko noon ang isang recognition day na walang um-attend para magsabit ng medal sa akin dahil parehong na-base sa malayong lugar sina papa at mama at hindi sila makauwi agad-agad.

Lumaki kami sa ampunang kinalakihan nila maski hindi pa kami ulilang lubos noon. Wala nga kasing kamag-anak ang parehong magulang namin kaya sa mga nakalakihang madre kami ipinagkakatiwala noon sa tuwing kailangan nilang lumayo.

“Can you give me a hand?” Paki ni Heather sa’kin. Suot na niya ang black long sleeve bodycon dress, at dahil back-zip ay hindi niya kayang isara nang mag-isa ang zipper sa likod. "Please?" Inipon niya sa isang ayos ang buhok at itinaas.

Lumapit ako at marahang iniangat pasara ang zipper ng kanyang suot. Ako na rin ang nag-lock ng hook sa dulo at dito ko lang napansin ang marka sa ibaba ng batok ni Heather. Hugis tatsulok at sa gitna ay may division na parang letter T kaya mukhang hati sa tatlong portion ‘yong triangle. Para itong itinatak sa balat sa pamamagitan ng pagpaso o pagsugat dahil kulay balat lang din, hindi kagaya ng sa tattoo na ginagamitan ng ink.

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now