Chapter 14

1.5K 84 24
                                    

"Jino-joke mo na naman ako."

"Okay." Kibit-balikat na naman niya at ibinalik ang tingin sa TV. "I guess I'm not funny 'cause you're not laughing."

"Di nga?" Hindi ko maipaliwanag pero may parteng umaasa sa'kin na sana seryoso talaga siya.

"Whenever I’m with you I wish I had a mask but I really am this naked." Muli siyang humarap sa'kin. "And you're so naive. Hindi ba obvious para sayo na gusto kita?”

"Bakit?" Sa dami ng gusto kong sabihin at itanong, 'yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Kailangan pa ba talaga ng dahilan?"

"Lahat naman kasi dapat may dahilan."

"Okay." Buntong-hininga niya. "I like you because you're not like anyone else and you're not trying to be."

"Simple lang naman ako."

"You're a rare gem.” Sagot ulit niya. “Everyone I get to know are like leaves in autumn that can be found everywhere."

Sa totoo lang, ako nga itong napapahanga at nagiging interested sa kanya. Bukod sa maganda siya, multitalented, polyglot ay kakaiba talaga siya. Siya yung 'rare'.

"What?"

Nagising ako sa diwa dahil sa narinig. Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa 'ko nakatitig sa kanya nang walang sinasabi.

"Wala." Nag-iwas ako ng tingin at nakita ang basong ininuman niya. Tumayo ako at kinuha ito para may excuse na umalis. Hindi ko kasi alam kung ano pang sasabihin.

Nasanay ako na lagi niyang gino-goodtime kaya medyo mahirap sa’kin na paniwalaan ang walang ligoy niyang pag-amin kahit mukha siyang sinsiro sa lagay na yun.

~~~~~

“Ano yan?”

“Abstract.”

“Abstract art has thought and feelings involved. Randomly applying paint to a canvas isn’t abstract.” Nagpapaliwanag na sabi ni Heather kay Emil. “That’s a child’s mess.”

Tuluyan ng humupa ang lagnat ni Heather mula sa sakit na hindi ko alam. Tingin ko dahil sa injury ng braso niya, baka siguro nagkaroon ng inflammation kaya nilagnat. At kung bakit siya nagkaroon ng injury? Hindi ko alam. Wala naman siyang sinasabi.

Mula rito sa kinauupuan kong sofa ay dinig ko ang kwentuhan at tawanan ng dalawa. Wala pa yatang isang oras na magkakilala sila ni Emil pero kung mag-asaran at magtawanan akala mo kung sobrang tagal na nilang kilala ang isa’t isa para maging close.

Pumarito si Emil para makita ako at dalhan na rin ng pagkain pero mukhang nagkaroon na ata ng ibang kapatid since makilala si Heather. Heto nga’t nagba-bonding silang dalawa sa pagpi-paint samantalang ako feeling outcast at nililibang na lang ang sarili sa panonood ng palabas sa TV.

“Ness! Ti’gnan mo,” Tawag ni Emil sa’kin para ipakita ang ginawa niyang painting. “Di ba maganda?”

“Muk’ang tae.” Ibinalik ko ang atensyon sa pinapanood.

Narinig kong tinawanan ito ni Heather. “She’s so supportive. You’re lucky to have that kind of little sis.”

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig na itinawag sa’kin ni Heather. Little sister ni Emil? Anong tingin niya sa’kin? Alagaing bata? Eh mas mature pa ‘kong mag-isip kaisa sa kuya ko.

“Inggit lang siya kasi wala siyang alam sa art.” Dinig kong sabi ng magaling kong kuya.

“Wag mo ng ipilit Emil. Nagsasayang ka lang ng pintura.”

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now