Chapter 11

1.6K 84 2
                                    

Idinaan muna namin sa pad ang mga nilabhan kong damit. Wala pa rin dito si Heather pero nabanggit ko na kay Emil na hindi ko solo itong unit, may roommate ako. Wala namang problema sa kanya basta kapwa ko daw babae.

"Artist yung roommate mo." Komento ni Emil nang makita ang mga art works ni Heather.

"Takas sa mental." Sagot ko bago ito iwan at patungo sa walk-in closet para iayos ang bagong labang mga damit.

Nang matapos ay nagbihis na rin ako bago balikan ang kuya ko sa sala.

"Hoy! Wag ka ngang mangialam, baka makasira ka't pagbayarin pa 'ko." Saway ko kay Emil nang makita itong may hawak na sketchpad sa isang kamay at sa kanan nama'y in-can juice. Naalarma ako kasi baka matuluan ng iniinuman nito ang sketchpad ni Heather.

Feel at home ang gago. Taranta akong lumapit dito para kunin ang sketchpad.

"Dapat nga ikaw magpabayad kasi ginagawa ka atang muse nang di mo alam." Wika nito bago pa 'ko makapagsalita.

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang mga nakaguhit na larawan sa tatlong magkakasunod na pahina ng sketchpad.

Sarili ko.

Kung hindi ako nagkakamali, ito yung araw na nagsasaulo ako ng pangalan ng mga gamot tapos nauwi yung usapan tungkol sa pag-aaral at sistema ng edukasyon.

Paulit-ulit ako sa paglipat-balik ng mga pages sa sketchpad para siyasating mabuti ang gawa ni Heather. Tatlong pages lang naman na panay ako yung naka-sketch. Ako na may hawak na libro at nagbabasa, ako na nakababa na ang kamay pati hawak na libro at ako na nakaharap sa kanya.

Nakakatuwa kasi parang flip book pero mas nakaka-amaze kasi kung iisipin sandali lang naman kaming nag-uusap no'n tapos tatlong sketch ko ang nagawa niya? Tatlong sketches na magkakaiba ang angle ng subject. Pa'no niya 'to nagawa ng mabilisan at maayos habang nakikipagdebate sa'kin? Ako nga, kapag pinagdrawing ng plants and animal cells, naku-consume ko yung buong oras ng klase pero ang pangit pa rin ng outcome, partida pang naka-focus talaga ako. Pero si Heather, parang nilalaro lang niya. Halimaw yung alien na yun.

"Ang galing niya 'no?" Wala sa isip na nasambit ko kay Emil.

Blangkong nakatitig sa'kin ang kuya ko bago ito magsalita. "Tapos yung kasama niya rito walang talent. Walang kwenta."

Naihampas ko tuloy dito ang hawak. "Anong sabi mo, ha?"

"Kita mo 'to, kung makasita kanina parang delicate yung artwork ng roommate tapos ipanghahampas lang din pala sa'kin."

Ngayon ko lang napagtanto na yung hawak kong sketchpad pala ang ipinanghampas ko. Isinarado ko na nga lang at inilapag sa coffee table.

"Tara na nga. Sa'n ba tayo pupunta?"

* * *


Akala ko gagala lang kami o kakain sa labas pero mahigit apat na oras kaming bumyahe para makarating dito sa Taguig.

Wala naman kasing pasabi 'tong si Emil na dadalawin pala namin sila mama at papa dito sa Libingan ng mga Bayani. Mabuti na lang at kumain muna kami sa labas bago dumiretso rito kasi bukod sa drained sa byahe e gutom na rin talaga ako. Mabuti na lang din talaga at may kotseng gamit si Emil, pagmamay-ari ng kuya ng girlfriend niya. Ayaw ko kasi na nagko-commute pa kapag malayo ang byahe. Hindi naman sa maarte pero parang masyado kasing abala at nakakapagod kapag magco-commute sa mahabang byahe.

"Di ka man lang talaga nagdala ng bulaklak para sa kanila." Pagbasag ko sa katahimikan.

Ang seryoso kasi niyang nakatitig sa tomb ng parents namin. Ewan ko kung malalim ang iniisip, nakikipag-usap sa kanila o nagdadasal. Mabuti na lang hindi ako ganyan. Para sa'kin kasi kapag patay, patay na talaga. As in wala na. Oo nakaka-miss, gusto ko silang makasama ulit pero yung kausapin sila sa isip ko? Para saan? Wala namang mag-re-response.

Haraam (GxG)Where stories live. Discover now