February 3, 2012

2.4K 140 14
                                    

February 3, 2012

Dear Diary,

First Kiss. Okay, Diary, example. I have this friend. Ano... ah, she just had her first kiss with a guy na hindi naman niya boyfriend kaso sinabihan niyang bakla kaya pinatunayan ng guy sa kanya na hindi siya bakla by kissing her on the lips. Anong dapat gawin ng friend ko? I mean, how is she going to act in front of that guy? May dapat bang magbago? Or just act as if walang nangyari? What? What? Naguguluhan ako, este 'yung friend ko. So help me.

Love,

Vera

~*~+~*+~*~

Nanlulumo akong pumasok sa school. 'Yung first kiss ko... wala na 'yung first kiss ko! I dreamed of having it under the moonlight pa naman with lots of petals na sumasayaw sa hangin. Tapos ganoon lang, nawala na? I'm so nanlulumo sagad.

I reached my locker and was surprised dahil may post-it na nakadikit doon.

"Pasensiya na kahapon. Nabigla lang ako."

I blinked upon reading the note. Uh-oh. I think I know kung kanino galing ang post-it na ito.

"Vera?" came Lindsay's voice. "Kanino galing 'yan?"

Agad kong hinablot ang post-it at dali-daling tinago iyon. "Ang alin? Ah, wala, wala. Reminder ko lang ito. You know, to-do list."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Oy, Vera, ako ba ang kinukumbinse mo? Mukhang love letter 'yun eh."

Love letter? Eh post-it nga lang 'yun, love letter agad?

"Hindi, ah. Ano, reminder nga lang—OMG, Fred!" sigaw ko noong hinablot ng bakla kong kaibigan ang post-it mula sa kamay ko.

"Pasensiya na kahapon. Nabigla lang ako," basa ni Fred. "Sulat ni David ito, ah?"

Pakiramdam ko eh umakyat papunta sa face kong maganda ang lahat ng dugo sa katawan ko. The two of them were looking at me with suspicious expressions on their faces.

"Vera, Vera, ano ito?" natatawang tanong ni Fred.

"Oo nga. Bakit humihingi ng pasensiya si David sa'yo?" tanong naman ni Lindsay.

OMG, I need to make palusot! "Eh kasi... eh kasi... eh kasi may ginawa siyang hindi niya dapat gawin, pero dahil hindi niya sinasadya, nagawa niya!" dali-daling sabi ko.

"Medyo 'di ko get," nagtatakang sabi ni Fred habang nakatingin sa akin na para bang galing ako sa Venus.

Magpapalusot na ulit ako when I was saved by the bell. I heaved out a great sigh at dali-daling pumunta sa puwesto ko bago pa ako ma-interrogate ng dalawa kong kaibigan.

Minsan talaga love ko ang bell eh. Right. Saved by the bell. Thank you, Bell.

~*~+~*+~*~

"Nabasa mo ba ang iniwan kong note sa labas ng locker mo?"

Iyan. Iyan ang bungad niya sa akin the moment I entered the SG office. "Malamang. At hindi lang ako ang nakabasa," nanlulumo kong sagot sa kanya.

He looked up from his papers. "O, bakit? Pinabasa mo sa iba?"

"Of course not!" I answered immediately.

"Eh paano nabasa ng iba?"

I rolled my eyes. "Hello, iniwan mo kaya sa labas ng locker ko. Obviously may makakakita, right? Bakit kasi doon mo iniwan?"

"Eh saan mo gustong iwan ko? Sa loob? Alam ko ba ang locker combination mo?"

"Naman! Hindi ba uso sa mundo mo ang text messaging?"

Valentine GirlWhere stories live. Discover now