February 9, 2012

2.1K 127 9
                                    

February 9, 2012

Dear Diary,

Do you know what the word jealousy means? I never knew I'd actually come upon that word. But you know what? It's a feeling. And it's not a nice feeling.

I don't usually have many things to hate, but one thing is for sure.

I hate being jealous.

Hindi maganda sa pakiramdam kaya napapa-English ako sagad.

Love,

Vera

~*~+~*+~*~

"Naman, Vera, sa dinaming lalakeng magugustuhan mo, si David Altamonte pa," reklamo ni Lindsay.

"Eh anong magagawa ko, siya 'yung reason kung bakit feel na feel ko ang Valentine air ngayon eh," sabi ko.

She sighed. "Alam mo, suntok sa buwan 'yang pinagpapantasyahan mo."

"Grabe naman 'yung suntok sa buwan!" reklamo ko. "And correction, hindi pantasya 'yun, 'no!"

She shook her head. "Then good luck. You'll need lots of it."

"Thank you sagad!" masiglang sabi ko as I waved and headed for the SG office.

Malapit na ako sa SG office when I caught sight of David doon sa isang bench near it. May kasama siya—si Greta, isa sa mga kaklase namin.

Okay, so there is actually nothing wrong with it naman eh—kung magkasama sila or mag-usap, pero...

OMG, is David laughing? Do I see what I think I see!?

Wait, wait. I know I said there is nothing wrong kung kasama or kausap niya si Greta, pero... WHY ON EARTH KASAMA AT KAUSAP NIYA SI GRETA!?

Bakit nagtatawanan sila? Anong nakakatawa? Si David... tumatawa?

And why, pray tell, is he laughing!?

Eh ang sungit niyan eh! He never even smiles! So why... why siya tumatawa with Greta?

Greta Evangelista. She's one of the members of Honor Society. Mahinhin, mahiyain, tahimik, at demure. Total opposite ko.

I felt myself grow cold. Don't tell me, ganito ang mga tipo ni David? Oh, no. Kaya ba hindi niya ako pinapansin kahit anong pagpapapansin ang pinaggagawa ko? Is it because hindi niya ako type? OMG.

And wait, I just remembered something. The poem! 'Yung poem ba na ginagawa niya noong isang araw eh para kay Greta 'yun?

Nakakainis naman!

I stomped my foot and turned my back on them. Nakakainis, I swear!

Dali-dali akong pumunta sa classroom namin at nagmumok sa seat ko. Napansin yata nina Lindsay at Fred ang sour mood ko dahil nilapitan nila ako habang parehong nakangisi.

"Solar eclipse ba ngayon at nakasimangot si Vera?" natatawang tanong ni Fred.

I shot him a look. He gave me a peace sign while Lindsay laughed.

"Oo nga, ano? Bihira nga lang palang sumimangot 'yang si Vera," natatawang sabi ni Lindsay. "So anong kaganapan ang nakapagpasimangot sa'yo, ha, Vera?"

I wrinkled my nose and gestured at David and Greta who just entered the classroom together.

"Uh-oh," sabi ni Fred. "I guess this explains it."

Lindsay nodded. "I told you, Vera, suntok sa buwan 'yang si David. Besides, mukhang mala-Greta Evangelista ang mga tipo niya. Very much unlike you."

Valentine GirlWhere stories live. Discover now