February 13, 2012

3.4K 124 7
                                    

February 13, 2012

Dear Diary,

I love the rain. Gustong-gusto ko ang rainy weather. Masarap magtago sa blanket while watching my favorite Korean Dramas o kaya habang nagbabasa ng libro. Tapos there's a hot chocolate and cinnamon to go with the mood.

Dati, those are just some of the reasons why I love the rain.

Pero ngayon, I have another reason to love the rain.

I love the rain because of the magic it brings.

Love,

Vera

~*~+~*+~*~

Countdown: One day before the V-day.

"Vera, samahan mo ako sa admin. May papipirmahan ako."

"Vera, tingnan natin kung okay na 'yung horror booth."

"Vera, dumating na ba 'yung souvenirs? Samahan mo ako sa front gate, itatanong ko sa guard."

"Vera, i-check nga natin kung maayos na 'yung stage."

Iyan. Iyan ay iilan lamang sa mga sentences na nanggaling kay David ngayong araw na ito na ang simula ay Vera.

Dahil it's one day to go before the V-day, excused lahat ng SG officers from our classes. We have to oversee the final preparation for the school fair tomorrow at kahit ang mga teachers at admin ay edgy na. Our school fair is one of the biggest events held each year. Even the heads of the school are helping sa preparations.

At dahil sa sobrang busy, mas masungit ngayon si David. Maraming nasalanta ang kasungitan niya ngayong araw kaya we are ever so glad na natapos na rin ang final checking and preparation para sa fair.

Six o'clock p.m. na noong natapos kami. Nagsi-uwian na ang ibang officers at kaming dalawa na lang ni David ang naiwan sa SG office para ligpitin ang mga papel na nakakalat. May pagka-OC kasi siya and could not bear seeing papers lying everywhere.

I took a look out of the SG office window. Alam kong pagabi na, pero hindi normal ang dilim ng langit. Parang... parang uulan.

"Oh, no, mukhang uulan," I muttered. "Sana huwag umulan bukas."

He looked at me. "May bubong naman ang gym eh," he said, referring to the location of majority of the booths.

I nodded. "Oo nga, pero paano 'yung mga rides na nasa quadrangle?"

"May bubong naman lahat bukod sa roller coaster at hot-air balloon," he reminded me.

I wrinkled my nose. "Sayang naman ''yung mga rides na iyon kapag umulan. Baka hindi magamit. Saka ang hassle kaya kapag umulan," sabi ko.

"Ayaw mo ng ulan?" he asked.

"I love the rain," masiglang sabi ko. "Pero siyempre, school fair bukas, so mas bagay sa event ang sunny weather, right?"

He shrugged. I smiled.

"Since I love the rain... I guess you don't like it," I said, smiling at him.

He gave me a surprised look. "What gave you the idea that I don't like it? I actually like the rain."

I blinked. "Excuse me? Gusto mo ng ulan?"

He nodded. "Oo. Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Hindi naman. Pero seriously, you like the rain?" natutuwang tanong ko.

"Oo nga," he said. "Ba't natutuwa ka yata?"

"Eh usually kapag gusto ko, ayaw mo," I said.

"Ano naman ngayon kung ayaw ko ng mga gusto mo?" he asked, confused.

"Eh 'di mas lalo mong ayaw sa akin," I said before I could stop myself.

He blinked. I blinked.

Uh-oh.

What did I just say!?

"Mas lalong ayaw ko sa'yo?" he asked, frowning. "Saan mo naman nakuhang ayaw ko sa'yo?"

OMG, yari na. I need to make palusot! Baka mabuko niya pa ako sa aking unrequited feelings for him!

"Eh kasi 'di ba sabi mo, ang gusto mo sa isang babae eh 'yung tahimik, mahiyain, mahinhin, at demure?" I asked sheepishly.

"O, anong koneksyon niyon sa'yo?"

"Well, opposite kasi ako ng mga iyon eh," I said in a tiny voice.

"That doesn't mean I don't like you," he muttered.

I blinked. "Ha?" nagtatakang tanong ko. "What do you mean?"

He looked away. "Wala. Ang sabi ko, umuwi na tayo."

I was about to say something noong biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"OMG, it's raining!"

To my surprise, David Altamonte smiled. "Oo nga."

I stared at him, speechless. He seemed to realize what he just did kaya agad na bumalik ang masungit niyang mukha.

"Tara na," he said.

"Ha? Susugod tayo sa ulan?" gulat kong tanong.

"Anong silbi ng payong?" he asked.

"Eh wala akong payong!" sabi ko.

"Wala rin akong payong," he said. "Pero may payong dito."

He went to the broom closet of our office and took out a pink umbrella. I giggled. Seriously? He'll be under that, aah... pink umbrella?

"Seryoso ka?" medyo natatawang tanong ko.

"Ba't ka natatawa?"

"Eh kasi ayaw mo ng pink, 'di ba?"

"Oo, pero may nakikita ka bang ibang payong?" masungit niyang tanong sa akin.

After some protests from me, sumugod nga kami sa ulan under that pink umbrella.

That tiny pink umbrella.

Dahil nga maliit lang ang payong, nababasa pa rin kami.

"Move closer," he muttered.

I looked at him. "Ha?"

"Masyado kang malayo. Kaya nababasa tayo pareho eh," he almost snapped at me.

"Maliit kaya 'yung payong," I protested.

He scowled, and to my surprise, he suddenly put his arm around me while pulling me closer to him.

Okay.

So I was speechless. Parang tumahimik ang buong paligid. I wasn't able to say anything. He wasn't saying anything, either.

It really seemed silent. All I could hear was my heart beating rapidly.

And yet in spite of the loud beating of my heart, we walked home in silence.

Now I finally know what the magic of rain means.

~*~+~*+~*~

Valentine GirlWhere stories live. Discover now