February 6, 2012

2K 125 7
                                    

February 6, 2012

Dear Diary,

We had our final exam in Philippine Literature. The Noli Me Tangere, of course, and feel na feel ko ang eksena namin ni David kanina sa Suyuan sa Asotea. OMG lang, he's so guwapo and I'm so almost nawala sa lines ko when I saw him noong bumaba siya from the kalesa.

At mas lalong feel na feel ko 'yung eksena kung saan tinanong ko siya kung hindi niya ba ako nakalimutan kahit na nangibang-bansa siya at maraming magagandang babae sa ibang bansa. You know what he said?

"Ako ay hindi nakalimot, Maria. Sa katunayan, ika'y namamalagi sa aking ala ala."

OMG, Dear Diary, gustong-gusto kong magsabog ng confetti kahit na alam kong he was just delivering his lines because of the play. Kahit na, right? It's so nakakakilig pa rin! You agree with me, 'di ba?

Love,

Vera

~*~+~*+~*~

"Ako ay sumumpa sa libingan ng aking butihing ina na ikaw lamang ang aking iibigin at paliligayahin, Maria," I said dreamily. "That's what he said!"

Lindsay and Fred were looking at me as if I were crazy. "Delikado ito, Lindsay," umiirap na sabi ni Fred.

"Ako man ay hindi nakakalimot sa kabila ng mga payo ng aking padre kompesor," I continued. "And that's what I said! OMG, ang cute, right? Right?"

Linday shook her head. "Cute? Anong cute ang pinagsasabi mo? Mukha ka pong timang," she said, sighing.

"Seriously, Vera?" natatawang tanong ni Fred. "Hindi maka-move on?"

I ignored them and continued, "Ako'y minsan lamang umibig, at kung walang pag-ibig, hindi ako magiging ari nino man," mariin at puno ng emosyon kong sabi while the two of them burst out laughing. "Hoy, ano ba!? Why are you so natatawa?"

They continued laughing until Fred managed to choke out the words, "Vera, my gosh, you're so... so..."

"So what?" I demanded.

"Bakit nagtatawanan kayo sa gitna ng hallway?" a familiar voice snapped at the three of us.

We all turned around to see David glaring at us. OMG, he's here! Crisostomo Ibarra, I mean David Altamonte is here!

Dali-dali kong inayos ang buhok ko at tumayo nang tuwid. "Hi, David!" masiglang bati ko.

He ignored me and turned to look at Lindsay. "Nakapaghanda na ba ang Drama Club para sa school fair?"

Lindsay rolled her eyes. "Wala ako sa mood to discuss about it. 'Bye!" she said as she walked away. Fred winked at me and followed her.

Naiwan kaming dalawa ni David sa hallway. Akala ko eh forever na niya ako dedeadmahin, pero he turned to look at me and said, "Nice performance."

I blinked.

OMG, did I hear him right? Did he just praise my performance!?

I fought the urge to squeal. "Ikaw rin, David, ang galing ng performance mo," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang kilig ko.

"Gumagaling ang performance ng isang aktor kapag magaling ang ka-eksena niya," he said.

Tama ba ang intindi ko? He praised me! He just praised me!

Oh. MG. No, no. My kilig is not sagad. It's so sagad-sagad!

~*~+~*+~*~

Valentine GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu