February 11, 2012

2.1K 133 5
                                    

February 11, 2012

Dear Diary,

Finally, our normal Saturday is back. Last week ay pinapasok kami ng Saturday and Sunday dahil kinakapos na raw ang lecture hours namin dahil sa sobrang daming extra-curriculat activities. Mabuti na lang ngayon ay back to normal na.

Pero ako? No, I'm not back to normal. This is so not normal.

And I'm talking about my so-called crush on David Altamonte.

Seriously, what's going on with me? This is supposed to be just a crush. Right?

Love,

Vera

~*~+~*+~*~

Nandito kami ngayon ni David sa Belleza Couture at binibilang ang mga t-shirts ng mga SG officers and volunteers na gagamitin para sa school fair on the 14th.

"Kumpleto na?" tanong ni David sa akin.

I nodded after giving another round of final count. "Oo, kumpleto na."

"Bakit kasi pink?" he muttered.

"Why? What's wrong with pink? Cute nga eh."

"Masakit sa mata."

I rolled my eyes. "Valentine's Day theme nga, 'di ba? 'Di ba?"

"Kahit na. Tara na nga," he said.

After we paid for the t-shirts and made sure na ide-deliver iyon sa school before the 14th, we left the couture and walked home. Well, sabi niya ihahatid niya raw ako eh.

Ang sweet sagad, right? Right.

Still, I should not be hopia. I should just be thankful na hindi nagsusungit si Daid ngayon at nag-offer pang ihatid ako. Sa totoo lang ay kinikilig ako, pero medyo nababawasan kasi nga may Greta the Great eh. Siguro I should just be thankful na kahit masungit itong si David, may manners pa rin siya. And siguro napipilitan lang din talaga siyang makasama ako kahit ayaw niya sa akin kasi nga no choice siya. Siya ang president, ako naman ang secretary. Madalas talagang dapat na magkasama.

Napag-isip isip ko na ring siguro hindi naman ako dapat na mag-gelatin kay Greta the Great. I mean... why naman ako magseselos, right? Crush ko lang naman si David. Hindi naman kami. Saka baka ang crush o gusto niya eh si Greta the Great, so ano namang say ko doon, 'di ba?

Jealousy is an emotion, alright. Hindi naman maiwasan talaga kung magseselos ka sa taong gusto ng taong gusto mo, 'di ba? Pero wala eh, hanggang selos lang 'yun. Just emotions, but definitely no actions.

At napaisip na rin akong okay lang na maging crush ko si David kahit iba ang crush niya. Crush lang naman eh, right?

Naputol ang reverie ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Anong balak mo sa Tuesday?" he asked.

"Anong meron sa Tuesday bukod sa school fair?" nagtatakang tanong ko.

"Huh, ano pa nga ba? 'Di ba 'yung kinababaliwan niyong mga babae? 'Yung araw ng mga kulay pulang korteng puso," he muttered.

"Ah! Valentine's Day!" natatawang sabi ko. "Ikaw talaga, para sasabihin lang 'yun, ayaw mo pa. Wala naman akong balak. Busy much on that day. Sa umaga, school fair. Sa gabi naman, Valentine's Day Party. May space pa ba para sa ibang plano?"

"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin," he muttered.

"Eh ano?"

"Wala kang date sa party?"

Valentine GirlWhere stories live. Discover now