February 10, 2012

2.1K 125 6
                                    

February 10, 2012

Dear Diary,

I love surprises, especially when those surprises come in the form of someone appreciating you.

When I arrived at the classroom this morning, I found a compilation of sketches on my desk.

And guess what kung anong meron sa sketches na iyon?

Sketches of me!

Now who would pay attention to me that much to the point of capturing almost every angle of my face and sketch those angles in paper?

Love,

Vera

~*~+~*+~*~

Nagmamadali akong pumasok sa school dahil naiwan ko sa classroom ang libro ko sa Economics. Dama kong magpapa-recite later si Teacher Bea kaya kailangan kong mabasa man lang ang next lesson namin.

Dahil sobrang aga pa, wala pa sa classroom ang mga kaklase ko. Napaaga ang dating ko kaya I decided to just stay inside and read the next lesson.

Pagdating ko sa desk ko, merong sketch pad doon. Nagtataka kong kinuha ang sketchpad, wondering kung kanino iyon at sinong nakaiwan dahil sigurado namang hindi sa akin iyon.

As I flipped through the pages, unti-unting napapaawang ang bibig ko.

The sketch pad contains pencil sketches of me!

Inisa-isa ko ang bawat page. Merong mga sketches na nakangiti ako at nakatawa. Ang dami! Sobrang daming sketches ko!

I was so speechless at kahit ang brain cells ko ay hindi ma-process kaagad ang nakikita ko. I mean... sinong gumawa ng mga sketches na ito? Who would exert such an effort to sketch my image and put it on paper?

It's so... nakaka-amaze sagad. As in sagad-sagad.

The sketches are breath-taking pieces of Art.

Sino? Sino ang gumawa ng mga ito? I need to know!

Wait. Hindi kaya... OMG, may admirer ako! My gosh, may admirer nga ako!

I scanned the pages again until my eyes caught the last page. May note doon. Dali-dali kong binasa ang sulat na nakalagay:

See those sketches? Do you notice something? Let me tell you, then. As you can see, all of those are sketches of your smiling face. Beautiful, aren't they?

You're beautiful whatever your facial expression may be, but you're the most beautiful when you are smiling.

You're the most beautiful girl I've ever laid my eyes upon.

Okay.

So speechless sagad ang beauty ko. It's so... OMG.

What on earth does this mean? The sketches... the note... do they mean something? Ibig bang sabihin nito ay may admirer nga ako?

Ang sweet sagad!

Hindi ko alam kung sinong gumawa nito. Wala akong idea, as in. Puwedeng babae o lalake ang gumawa nito, pero wala talaga akong idea kung sino.

Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang pasalamatan sa mga sketches na ito at lalong-lalo na sa note na iniwan niya. Nakaka-touch sagad. Hindi lang ako napangiti. Sobra-sobra akong napangiti.

And because I was so happy, I headed for the SG office. Kahit sungitan pa ako ni David, hindi ako mabi-BV. Ang ganda kaya ng umpisa ng araw ko!

Pagdating ko sa office, nagulat ako dahil may mga tao na doon. Hindi ako magugulat kay David, pero nandoon din sina Donnie at Paul. May pinagtatalunan sina David at Donnie samantalang tinatawanan lang sila ni Paul.

Valentine GirlWhere stories live. Discover now