February 12, 2012

2.1K 120 2
                                    

February 12, 2012

Dear Diary,

They said that each flower has its meaning. Sabi nila, nakakatulong daw ang mga bulaklak sa pag-express ng nararamdaman ng isang tao. Nakakatulong din daw ito sa pag-deliver ng message ng isang tao.

But why instead of getting the message, I'm getting confused?

Then again, I can't deny na nakakakilig kahit na naguguluhan ako.

Love,

Vera

~*~+~*+~*~

It's Sunday morning and I am supposed to meet David today. We have to check the flowers na gagamitin as decorations para sa school fair on the 14th.

At late ako.

Lagot.

Magagalit na naman siya! Eh pero hindi ko naman sinasadyang ma-late eh!

Hinihingal akong pumasok sa loob ng Café de Belleza na siyang meeting place namin. "Sorry, sorry!" dali-dali kong sabi the moment I saw him.

"Kabilin-bilinan kong huwag male-late eh," masungit niyang sabi sa akin.

"Sorry talaga," nanlulumo kong sabi.

"Bakit ka late?"

Dahil tinanghali ako ng gising. Dahil puyat ako. Dahil sa kakaisip sa'yo.

"Ano... ah, hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi," sabi ko.

"Baka kasi kung anu-anong iniisip mo," he muttered.

Anong kung anu-ano? Eh ikaw lang naman ang inisip ko kagabi.

"Sorry. Ano, tara na?" I asked.

"Maupo ka muna at mukhang tumakbo ka pa yata," he said.

"I'm fine. Tara na, baka may gagawin ka pa later eh," sabi ko.

"Ang kulit mo, Vera. Umupo ka na nga lang muna," he insisted.

He got a glass of water for me. Siyempre kinilig na naman ako, right? Pero I reminded myself na David has manners lang talaga kaya hindi ako dapat hopia. Right.

After I managed to catch my breath, we headed to Fleur de Belleza. Sobrang nahumaling ako sa mga bulaklak at hindi ko alam kung saan ako unang titingin.

Ang gaganda ng mga bulaklak! Pakiramdam ko eh nasa paradise ako kung saan punong-puno ang lugar ng iba't-ibang mga bulaklak. I'm not familiar with the names of those flowers, but who cares? Sobrang naa-appreciate ko sila sagad.

"Mahilig ka sa flowers?" tanong ni Miss Fleur, ang may-ari ng shop.

"Opo," masiglang sabi ko.

Ngumiti siya. "So madalas kang binibigyan ng boyfriend mo ng flowers?"

I shook my head. "Naku, Ate, wala po akong boyfriend," natatawang sabi ko.

"Ah, hindi mo pala boyfriend 'yung kasama mo?" tanong ni Miss Fleur habang tinuturo si David na nakikipag-usap sa assistant ng shop.

"Hindi po, Ate. Classmate ko po siya," sagot ko.

"Ganoon ba? Akala ko kayo. Bagay kasi kayo eh. Maganda ka, guwapo siya. Perfect pair pa ang mga auras niyo," sabi niya.

Gusto kong mapatili sa kilig, pero mabuti na lang at napigilan ko. "Ganoon po ba? Thank you po. Pero naku, Ate, hindi po tulad ko ang tipo niyan eh," sabi ko.

Muling ngumiti si Miss Fleur. "Pero siya ang tipo mo, 'di ba?"

Namilog ang mga mata ko. "Am I that obvious po ba?"

Tumawa siya nang mahina at tumango. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko.

"But don't worry, mukhang manhid naman 'yung kaklase mo," she added.

"Po?"

Tumango siya sa direksyon ni David. "Mukhang hindi niya nararamdamang may gusto ka sa kanya."

I nodded sheepishly. "Actually, Ate, ganoon na nga po."

"Huwag kang mag-alala, Vera. Kahit manhid ang isang tao, hindi manhid ang kanyang puso."

After she said that, she smiled again at me and went over to talk to David about our orders.

I blinked upon realizing what she said.

Kahit manhid ang isang tao, hindi manhid ang kanyang puso?

Posible ba 'yun?

Before I could further contemplate kung anong ibig sabihin ni Miss Fleur, lumapit si David sa akin.

"Ayos na 'yung mga bulaklak na gagamitin para school fair. Tara na," he said.

Before leaving the shop, I gave the pink tulips one last glance.

"Mahilig ka ba sa mga bulaklak?" David suddenly asked.

I smiled and nodded.

"Bakit?" he asked.

I blinked. "Are you asking kung bakit mahilig ako sa flowers?"

"Oo."

I shrugged. "Eh kasi cute eh," masiglang sabi ko.

"Bulaklak, cute?"

"Yes, why? Ayaw mo ng flowers?"

"Ayaw."

I sighed. Lahat na lang ng gusto ko, ayaw niya. Katulad ng lang ng chocolate cake. Ayaw niya ng matatamis, tapos ngayon naman eh ayaw niya ng bulaklak.

We are so different as night and day talaga. Sagad.

Maybe that's why he likes Greta the Great. Pareho sila ng personality.

I almost laughed upon remembering what Miss Fleur said.

Perfect pair? Kami? Huh.

We are imperfect pair sagad.

~*~+~*+~*~

When I reached home, something was waiting for me at the steps in front of our gate.

Pink tulips.

Okay, so normal lang naman sigurong isiping parang alam ko kung kanino nanggaling ang mga bulaklak na ito, right?

I was with David earlier and I just told him that mahilig ako sa flowers. And let's say nakita niyang nakatingin ako sa mga pink tulips.

I mean, sobrang coincidence naman yata kung hindi ito galing sa kanya, right?

I'm confused.

Usually, kapag binibigyan ng isang lalake ng bulaklak ang isang babae, hindi ba't may ibig sabihin iyon? And madalas, ang ibig sabihin niyon ay appreciation. So ibig bang sabihin nito ay ina-appreciate o naa-appreciate niya ako? Is that it?

Pero 'di ba may mga meanings ang mga bulaklak? So anong ibig sabihin ng pink tulips? Noong tiningnan ko sa Internet, may iba't-ibang meaning ito. Care, happiness, well wishes...

Yet in spite of those meanings, I am still confused.

Kung kay David Altamonte nga nanggaling ang mga bulaklak na ito... anong ibig sabihin niyon?

Does he or does he not like me?

~*~+~*+~*~

Valentine GirlWhere stories live. Discover now