First Shot

1.1M 24.2K 16.8K
                                    


The Living Arrow

Second book of "She Who Stole Cupid's Arrow"

By Aly Almario


~*~



First Shot

WEST.

(January, 2017)

Nakailang tingin ako sa reflection ko sa laptop screen ko. Maayos ang necktie, maayos ang pagkaka tucked-in ng long sleeves sa pantalon, okay ang itsura ng buhok ko ngayon at malinis ang lense ng salamin ko. Halos paliguan ko na rin ang sarili ko ng pabango kanina bago ako umalis sa bahay.

Mukha siguro akong tanga ngayon. Parang isang teenager na hindi mapakali sa crush niya. I know I'm too old for this shit. But damn! Today is her first day. At oo inaamin ko hindi ako mapakali. Kaninang umaga, parang automatic na na kumilos ang katawan ko para magpa-pogi at mag ayos. Kung dati basta hugot na lang ako ng maisusuot sa opisina, ngayon talagang pinili ko ang pinaka maayos kong longsleeves at tie. Pina-plantsa ko pa ulit yun kahit unat na unat na ito.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 10 minutes na lang, time na. Sabi ko mag report muna siya sa akin bago siya mag-simula sa trabaho. Any minute panigurado darating na siya. At habang gumagalaw ang kamay ng orasan, mas lalo akong hindi mapakali.

Malapit na. Malapit ko na ulit makita ang babaeng matagal ko nang gusto.

Si Jillian Evangelista.

Naalala ko nung first time siyang nag apply dito. I am the editor in chief back then. Nung ini-interview ko siya, halatang kabado siya. Bawat sagot niya hindi confident. Hindi rin ako sigurado kung gusto niya ba ang posisyon na ina-apply-an niya. But I hired her just because wala nang ibang applicant at kailangang kailangan namin ng proofreader noon. Maganda rin naman ang resume niya. Siguro sadyang takot lang siyang sumagot sa interview.

Maayos naman ang trabaho ni Jillian nung una. Pag pinupush mo siya, mas lalo siyang nag susumikap. Kailangan mo lang talaga siyang ngaragin sa deadlines. At first, she's just a typical employee to me. Pero nung time na may pinagtanggol siyang isang senior na siningitan ng isang boss, doon ako napahanga ng babaeng 'to.

That girl has some guts. Habang nasa opisina ko siya at pinapangaralan, kita ko ang tapang sa mata niya. Yung hindi siya aatras at wala talaga siyang planong humingi ng sorry nun dahil alam niyang wala siyang ginawang mali.

Ayun yung panahong naisipan kong protektahan siya. At simula nung araw nay un, palagi ko na siyang napapansin. Yung hindi siya mawala sa isip ko. At nakakainis.

Alam niyo yung planado ko na ang buhay ko. Naka-set na ang mga dapat gawin ko. Punong-puno ang ng schedule ang nakalista sa planner ko.

Pero wala doon ang mainlove kay Jillian. Wala.

Pinigilan ko naman at pinilit kong itago. Lagi ko siyang pinapagalitan. Lagi kong hinahanapan ng pagkakamali. Kasi natatakot ako na baka mahalata niya na nagugustuhan ko na siya. Pag nabuko ako, hindi ko alam ang gagawin ko. At nababadtrip ako sa sarili ko kasi bakit ba ako ganito? Kahit noon pa man hindi ko na alam kung paano kumilos sa harap ng isang babae. Hindi ako marunong makipag small talks sa kanila. Madalas akong nerbyosin lalo na kung ang babaeng kaharap ko ay gusto ko. May point pa nga sa buhay ko na siguradong sigurado akong tatandang binata ako kasi ang lala ng pagiging torpe ko.

The Living Arrow (SWSCA #2)Where stories live. Discover now